CHAPTER 14.2: 2nd Day. Basketball Game

2.8K 50 20
                                    

CHAPTER 14.2: 2nd Day. Basketball Game

“Grabe talaga, Tyrone! Yung kaba ko kanina feeling ko talaga tatalon na yung puso ko eh!!! (>_____<)” sabi ko kay Tyrone habang naglalakad kami ngayon dito sa oval. Kumakain kami ng waffles.

“Halata nga. Namutla ka eh. Mas kinabahan tuloy ako na baka himatayin ka kesa hindi ko masapul yung panda eh.” sabi niya sa akin at mahinang tumawa. Binigay na sa amin yung stuffed toy na panda kanina, nakatago sa bagpack ko. :)

“Haha. Pero eto nakakatawa, ang epic ng mukha nung Aaron kanina nung nagso-sorry sya kay Danica! Haynako, naalala ko na naman yung mukhang unggoy na lalaking yun!!!” sabi ko tapos sumimangot. Ginawa naman nung Aaron yung napag-usapan, nag-sorry sya kay Danica, yung girl. Pero ang maganda dun, pagkatapos niyang mag-sorry, sinampal sya ni Danica at nakipag-break sa kanya.

Nagpasalamat pa nga si Danica sa amin bago kami umalis eh. Sabi niya sobrang laking pagkakamali daw pala talaga ang ma-inlove sya sa kagaya ni Aaron. Sabi pa niya, mahal niya daw ito pero susubukan na niya itong kalimutan. Masaya ako dahil na-realize ni Danica na hindi sya dapat nagpapauto sa mukhang bisugong Aaron na yun, noh. Tsaka, masaya din ako dahil pati ako may natutunan sa nangyari kanina. (^____^)v

“Anong iniisip mo? Ako ang kasama mo pero ibang lalaki iniisip mo? Gusto mo magalit yung Master mo?” sabi ni Tyrone in a medyo nag-tatampu-tampuhan tone. Ajujuju~ tampururot naman ‘tong isang ‘toh!

“Hindi po kaya, Master! Ikaw lang iniisip ko noh! Hehe!” sabi ko sa kanya habang ngiting- ngiti. Ang saya ko talaga ngayon, promise. Alam niyo yung comfortable na talaga kami ni Ty sa isa’t isa. Wala lang, ang saya lang. :”>

“May sasabihin kamo ako sayo…” biglang sabi sa akin ni Tyrone. Kinain ko na yung last bite nung waffle ko.

“Ano yun?” sabi ko sa kanya habang ngumunguya- nguya pa. Hinawakan niya yung kamay ko, yung malapit sa kanya. Hindi na ako nabigla dahil sanay naman akong hinahawakan niya yung kamay ko, medyo napangiti lang ako. Hihi.

“Gusto ko sa babae yung maganda yung mga kamay.” He stated with a little smile forming on his lips. Ayyiiiee~!!! Kinilig naman daw ako!

“Ah, talaga? Hehe. Maganda ba yung sa akin?” tanong ko sa kanya. LOL

“Oo. Mas maganda pa sa mukha mo. Sana kamay ka na lang.” sabi niya. Alam niyo yung biglang tumirik yung mata ko pagkasabi niya nun. @#$%^&

“Ahaha! Joke lang yun syempre, Patis! ‘Toh naman. :D” tawa sya ng tawa habang sinasabi iyon pero hindi pa rin binibitawan yung kamay ko.

“Nakakainis ka talaga! You really know how to ruin a perfect moment, don’t you? Ughh.” I said to him then rolled my eyes.

“Haha. Joke nga lang eh. Pero bakit ang ganda ng kamay mo?  Ang lambot pa. Tamad ka talaga. noh?” sabi niya. Napatingin ako sa isa ko pang kamay, yung hindi niya hawak.

“Grabe~ maka-tamad? Hindi lang talaga ako gumagawa ng house chores kasi meron namang gagawa nun para sa amin eh. Tsaka alagang- alaga lang talaga nina Mommy yung kamay ko dahil nagpa-piano ako eh.” Explain ko sa kanya. Mahalaga lang talaga yung mga kamay ko para sa akin kaya di ako gumagawa ng mga makakapangit sa kamay ko.

“Nagpa-piano ka pala? Di ko alam yun ah.” Sabi niya. He sounds impressed.

“Syempre, ano bang alam mo sa akin? It’s the same with you, wala din akong gaanong alam sayo.” I said it to him with an edge. Bigla naman niyang binago yung topic.

“Patis, pwede bang pumasok dun sa court na yun?” turo ni Tyrone dun sa basketball court sa may side nitong oval. Maraming tao dun, may laban kasi.

Loving a 'G'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon