Chapter 14: She's Still the Rebel Bad Girl

5K 84 12
                                    


**Lance's POV

Nagising na si Jaron. Bumaba na rin ang lagnat niya. Ako naman ,puyat.

"Nagugutom ka?" tanong ko sa kanya.

Tumango siya sakin na parang nanlalambot. "Tumayo ka diyan. Dun tayo sa kusina." sabi ko sa kanya. Naglakad na ako papunta sa kusina at umupo sa mesa. Kanina pa kasi ako naghanda ng almusal namin.

Ang gara niya ano?? May nurse na,may cook pa. =___= Sumunod siya sakin at padabog na umupo.

"Sorry sa abala ko." nakayukong sabi niya.

"Wag kang mag-alala. May kapalit yan."

"Ano?" nagtatakang tanong niya.

"Layuan mo si Cahriya." seryosong sabi ko sa kanya. Ano kayang magiging reaksyon niya?

Natumba yung upuan sa biglang pagtayo niya. Nakakuyom ang palad niya at nanginginig sa galit na humarap sakin.

"Lance! Alam mong nagkaka-ganito ako dahil sa kanya! Hindi ko na kayang lumayo sa kanya!" sigaw niya sakin. Lokohin mo na ang lasing. Wag lang ang bagong gising. HAHAHA!

"E pano si Leslie? Diba mahal mo din siya? Ano yan? Timer ka na din?" nakangisi lang ako habang sinsabi yun sa kanya. Trip ko lang mang-inis.

"Shut the fuck up Lance! Wala kang alam! Hindi mo naman kasi nararamdaman to!"

Oh? For the first time. I heard him cussed. Ang galing ko talaga!

"You shut up. Hindi mo kayang panindigan si Cahriya."

Akmang susugurin na niya ako pero napatigil siya sa sinabi ko..

"Pre,wag kang pikon. Joke lang yun. Ma-upo ka na. Lumalamig yung pagkain."

"Seriously,Lance. Ok ka lang?"

Tumawa lang ako tsaka ko siya binatukan. "Hindi ako inutil para gawin yun. Mas gusto kong may thrill yung magiging relasyon namin." pang-iinis ko. Ganyan talaga. Haha!

"Anong thrill naman pinagsasabi mo?"

"Let's make a deal. If you win her heart again. I'll leave you both alone. But if you don't, I'll make her fall for me."

Natahimik siya for a while na parang may malalim na iniisip tapos naging seryoso.

"Deal."

**Cahriya's POV

Akala siguro ni KJ ganun ako kadaling makakapag-patawad kapag nalaman ko na gusto rin niya ako? At akala din siguro ni Lance nakalimutan ko na yung kasalanan niya porket tinulungan niya ako? Dun sila nagkakamali.

Ako kaya si Cahriya Monique Koh. I'm the rebel BAD GIRL. Hindi ako nagpapatalo at hindi ko hahayaang maging mukhang kawawa lang ako.

Pumunta ako sa Dalton Hye kahit na alam kong may possibility na makita ko silang dalawa doon. I don't care. Hindi naman sila ang pinunta ko dito,ang ate ko.

"Hoy? Nakita mo ba si Cairah Meir Koh? Yung babaeng medyo maliit tapos maputi at magandang katulad ko?" tanong ko dun sa isang guy student na napadaan sa harap ko.

"Ah yung slut ba? Nandun sa gym may kalandian nanaman."

SLUT?? Did he just call my sister a slut?? I grab his collar.

"You call my sister a slut?? Huh! You wanna die?" He look scared. Well,he should be.

"H-ha? N-nagbibiro lang ako. N-nandun siya sa gym kausap si Kevin."

Loved By A Gangster (Published Under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon