Chapter 32: Heartbreak

2.7K 37 4
                                    

** Lance's POV

"Cahriya, nandito si Jaron." matamlay kong sabi kay Cahriya ng umakyat nako sa kwarto niya kasama si Jaron.

"Talaga? Nasaan?" nakangiting tanong niya. Mukhang ang saya-saya niyang dumating si Jaron ah?

"I'm here." sabi naman ni Jaron na nakangiti ding lumabas mula sa may likuran ko. Grabe ah? Parang siya yung soon to be boyfriend dito. Dinaig niya pa ako.

"Buti naman. Akala ko di ka na dadating."

"So you're expecting him?" tanong ko kay Cahriya. Tumango naman siya. Unbelievable. Para lang akong ewan pala dito while she's expecting someone else. Hindi ako sanay na sa akin 'to ginagawa. Sanay ako na ginagawa 'to sa iba. So ang sakit pala ng feeling. Now I know. Sinasadya bang iparamdam lahat sa akin 'to Cahriya? Hopefully not.

"Oh Lance? Di ka pa aalis?" tanong sa akin ni Jaron ng bumaba siya mula sa kwarto ni Cahriya. Ako naman ay galing sa kusina para sana dalhan ng pagkain ang Cahriya ko.

"Hindi pa. Walang magbabantay sakanya." seryosong sagot ko at naglakad na paakyat sa kwarto pero nagsalita siya ulit.

"I see you're way too far from me now. Manliligaw ka na at ako, pet pa rin. Pero hindi ako susuko Lance. Hindi ako titigil sa kakasuyo sa kanya para magbago pa ang isip niya. Hindi ka pa niya sinasagot kaya I still have the chance to change her mind." determinadong sabi niya. Humarap naman ako sakanya ng kaunti at ngumiti.

"Well, goodluck for that. May the best man wins." at iniwan ko na siya doon. Pagdating ko sa kwarto ni Cahriya ay naka-ngiti siya sa akin. Oh how I love that smile.

"Umalis na siya?" tanong niya sakin.

"Siguro." sagot ko at inilapag ang pagkain sa may side table.

"E ikaw? Di ka pa uuwi sa inyo? Baka hinahanap ka na sa inyo.." Natawa naman ako ng mahina sa sinabi niya.

"Hindi na ako bata para hanapin pa nila and besides, I don't even have anyone to look for me. Mag-isa lang ako sa bahay, remember?"

Natawa din siya ng mahina realizing my point.

"Oo nga naman no. Haha. But anyways,Uhh Lance,lalabas pala kami ni KJ bukas." Biglang nawala ang mga ngiti sa labi ko. Why ruin the mood.

"Ahh saan kayo pupunta?" tanong ko.

"Hindi ko alam e. Basta sabi niya, siya naman daw bahala sa akin. Hindi naman daw niya ako pababayaan.."

Naalala ko tuloy yung pinag-usapan namin. Sana hindi nalang ako pumayag na magkita sila.

"Ahh ganun ba.. E bakit mo pa sinabi sa akin?" it suddenly burst out from me. Naiinis lang kasi ako. Bakit kailangan niya pang ipaalam sa akin. Sinasadya niya ba yun dahil alam niyang magseselos ako?

"E kasi..gusto ko alam mo lahat. Kung saan ako pupunta at kung sino man ang kasama ko.."

-------------

I feel strange sa mga nangyayari. Hindi ako sanay ng ganito. At ayaw ko ng ganito. Mas maraming time na magkasama si Jaron at ang Cahriya ko. Paano ako? Ako ang nanliligaw. Ako ang nagpapakahirap manuyo at magbago para sa kanya tapos iba naman makikinabang? Tulad nalang ng nangyari nung gabing iyon.

I honestly don't know what to feel..

Hindi kasi ganito yung naramdaman ko kay Themarie. Mas matindi 'to. Kasi si Cahriya, nagawa kong ipaglaban. Si Themarie hindi.

*unknown number calling...*

"Who's this?"

"Kamusta na kaibigan?" sagot ng lalaking nasa kabilang linya. Slang ang pagtatagalog niya. Biglang nagtayuan ang mga balahibo ko ng pumasok sa isip ko kung sino ang posibleng kausap ko ngayon...

Loved By A Gangster (Published Under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon