Chapter 5: He hit's a Nerve

7.8K 103 15
                                    


**Riya's POV

"KYD JARON SOLER!!!" Kailangan ko 'tong lalaking to. Kailangan kong malaman kung sino ba yung Lance na yun. Kailangan kong malaman kung iisa lang sila nung hayop na manyakis na ex ni Ziri at yung Lance na na-encounter ko.

Mabilis siyang nakarating sa harap ko na halos magkanda-dapa dapa pa.

"Bakit?"

"May kilala kang Lance diba?" tanong ko sa kanya.

"Oo bakit?" kunot noong sagot naman niya.

"Ziri? Patingin nga nung picture nung damuho na yun.."

Kahit humihikbi pa siya ay hinanap niya sa wallet niya yung picture. Inabot niya yun sakin pero di ko tinignan. Bahala na kung sino man yun. Basta patay siya sakin.

"O ayan! Kilala mo ba yan??" Gulat ang mukha ni KJ habang tinitignan ang picture.

"Bakit ninyo siya kilala?" tanong niya sakin. BOOM! Siya na nga yun! Yung gagong gangster na pinagtripan ko!

"Alam mo bahay niya?" tanong ko sa kanya sabay kuha nung picture. Bingo. Confirmed.

"Oo alam ko. Bakit?" tanong niya. Hinila ko na ang kamay ni KJ at lumabas na ng bahay.

"Ziri! Diyan ka lang ah? Wag kang aalis diyan." nag-nod nalang siya. Pinagpa-drive ko na ng kotse si KJ. Ako naman nanguguyom ang mga kamao ko. Hunyeta kang Lance ka! Humanda ka sa akin! Pagsisisihan mo 'tong ginawa mo sa kaibigan ko!

"Anong gagawin mo kila Lance?"

"Paki mo ba?Mag-drive ka nalang diyan!" nanahimik naman siya at nagdrive nalang. Ilang sandali pa. Tumigil kami sa tapat ng isang bahay. Agad akong bumaba. Kinabog ko ng kinabog ang pintuan.

"Hoy! P*tangina ka! Lumabas ka diyan!"

**Lance's POV

Huh? Sino yun? Sunod-sunod yung kalabog sa pinto. Sino ba kasi 'to? Tae naman! Badtrip ako ngayon e! Bumaba ako at binuksan yung pinto. "Ikaw? Anong-------"

**Riya's POV

"Walangya ka! Kapal ng mukha mong gawin yun sa kaibigan ko! Manyak kang lalake ka!" tatadyakan ko na siya pero nahawakan niya yung binti ko. Dejavu =__=

Binitawan niya rin agad yung binti ko. Tapos tumayo siya.

"Pangalawang beses na 'to. Pangalawang beses mo na akong sinusuntok ng hindi ko man lang alam ang dahilan. At sa pagkaka-alam ko, wala naman akong ginawang kasalanan SAYO!" palapit ng palapit ang mukha niya sakin. Tinulak ko siya. Pero hinila niya ang waist ko. The next thing I know. Im on top of him. Ngayon ko lang siya nakita ng malapitan at ganito katagal. Ngayon ko lang na-realize. Gwapo pala siya no?

"WOW!" napa-balik naman ako sa diwa ko ng mag-salita siya. Anong tinitignan niya? "That's quiet big." kinagat niya ang labi niya. Tinignan ko din yung direksyon ng mata niya. And he was looking at my...

"Bastos!!!" This monkey was looking at my cleavage! Argh! I stood up and grab his collar. "Manyak ka talaga! Tado ka! Anong karapatan mong gawin kay Ziri yun! Pagkatapos kang mahalin ng kaibigan ko, pagtatangkaan mo lang pala siyang gahasain! Idedemanda kitang hayop ka!"

Nginitian lang ako ng gago! Bwisit talaga 'to! Tinabig niya ang kamay ko at kinorner ako sa pader. What the fudge!

"So kaibigan mo pala siya? Sorry,I don't know. Tsaka malay ko bang pakipot yun? And missy, wala akong ginawa sa kanya. Ni hindi ko nga siya nahawakan e. Ano namang kaso ang maisasampa mo sa akin??" tila wala lang sa kanya ang ginawa niya. The nerve!

Loved By A Gangster (Published Under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon