Chapter 17: Broken Friendship

4.4K 54 8
                                    


**Ziri's POV

Feeling ko,ok na ako. Konting panahon nalang ay makakalimutan ko na si Lance. Sana nga magawa ko na yun para hindi na ako nahihirapan.

Biglang may kumatok sa pintuan ko. Sino kaya yun? Binuksan ko ang pinto at may nakita akong box sa tapat ng pintuan ko. Ano kayang laman nito? Pumasok ako sa loob at umupo sa sofa. Hmm, sino naman kayang magbibigay sa akin ng gift? Secret admirer ?

Binuksan ko yung box. May isang mp4 player at may envelope. Una kong binuksan yung mp4 player. B-bakit? Kelan pa 'to? Anong ibig sabihin nito? Nasa video si Lance at Riya. Mula nung sa bar na sumakay si Riya sa kotse ni Lance hanggang sa pagdating nila sa bahay niya.

Sa paghatid ni Lance kay Riya sa kanila na nakasuot siya ng isang maluwang na damit na nakita ko dati kay Lance. At ang huli, ang pagde-date nilang dalawa sa isang restaurant.

May napindot ako sa mp4 player kaya may nag-play na voice record. Boses ng isang lalaki.

"Ziri,alam kong gulat na gulat ka sa mga napanuod mo. Pinagtaksilan ka ng pinaka-pinagkakatiwalaan mong kaibigan. At eto namang ex-boyfriend mo ay enjoy na enjoy sa kanya. Well,marami kapang hindi alam na nangyayari sa kanila. Sa loob ng envelope ay ang mga litrato nilang dalawa at litrato ni Riya kasama si Jaron. Tignan mo kung paano pagsabayin ni Riya ang dalawang lalaki. Tignan mo kung paano niyang paglaruan ang taong mahal na mahal mo. At tignan mo din kung gaano kasaya si Lance sa kanya,na ipinagpalit ka niya sa bestfriend mo. Nakakaawa ka Ziri. Wala kang kaalam-alam na tinitira ka na patalikod ng kaibigan mo pati ng taong mahal mo. Tsk tsk tsk.. ano kayang mangyayari sayo ngayon? Nawalan ka na ng Lance,nawalan ka pa ng bestfriend. Huh,nakakaawa ka."

Tumulo ang luha ko..tama siya. Nakakaawa ako. Paano nagawa sa akin 'to ni Riya? Akala ko ba ay kaibigan ko siya? Pano niya nagawang makipag-relasyon sa taong alam niyang mahal na mahal ko?

Kinuha ko ang envelope at nagbihis ako. Maghaharap kami ni Riya.

-----

Saktong kakadating ko dito sa bahay nila Riya ay nakita ko naman siyang dumadating. Nakangiti pa siyang sumalubong sa akin. Huh. Plastik!

"Oh? Buti naman at nagpakita ka na?"

"Kung hindi pa siguro kita pinuntahan ay baka mas nalandi mo na si Lance ko!"

Sinigawan ko siya. Hindi ko na napigilan ang sarili dahil sa sakit na nararamdaman ko.

"Mag-ingat ka sa mga pinagsasabi mo ha! Wala ka namang alam e!" balik sigaw niya.

"Oo nga. Wala akong alam na sinusulot mo na si Lance sa akin! Malandi ka!"

Sinampal niya ako. Sinampal ako ni Riya? Ano bang nagawa ko sakanya? Bakit niya 'to nagawa? Naging mabuting kaibigan naman ako ah?

"Hindi ko alam kung saang makating bibig mo nalaman yan, wala na rin naman akong pakialam. Pinakita mo lang sa akin na mas naniniwala ka pa sa ibang tao kesa sa akin na kaibigan mo."

Kinuha ko yung envelope at nilabas ang mga pictures doon.

"Kaibigan? Kaibigan nga ba kita?" hinagis ko sa mukha niya yung mga pictures at nagliparan ang mga ito.

"O ayan! Tignan mo kung gaano ka kalandi!" And with that,umalis na ako. Magmula ngayon. Wala na akong kaibigang kagaya. Magakakalimutan na kami.

**Jaron's POV

Ang laki ng galit sakin ni Riya. Halatang pinaparusahan niya ako. But I deserve this. Ano nga bang mga pinapagawa niya sakin?

Taga - paligo ng aso niya

Loved By A Gangster (Published Under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon