Chapter 8: He's Inlove with His Bestfriend

6.3K 84 9
                                    


 **Jaron's POV

Teka nga? Last week? Noon ko nakilala si Riya.

"Ano nga palang ginagawa ni Riya sa HQ last week?" tanong ko sa kanila. Tumingin sa akin si Lance at halata sa mukha niya na hindi maganda ang pangyayaring iyon.

"Baliw yung babaeng yun. Kaya kung ako sayo, layuan mo iyon." seryosong sabi ni Lance. Oo Lance. Alam kong baliw iyon.

"Pero bakit mo siya hinalikan?" tanong ko ulit. Umiwas lang siya ng tingin sakin. Samantalang yung mga gunggong, nagpalipat-lipat lang ng tingin saming dalawa.

"Lance? Hinalikan mo yung war freak na yon?" gulat na tanong ni Kevin.

"Masyado siyang maraming sinsabi kaya tinapalan ko yung bibig niya.."

"Ng bibig mo? Iba ka Lance. Iba ka." pailing-iling na sabi Lloyd.

"Parang di naman kayo sanay sa kanya. Kahit sino naman ata, hinahalikan niya. Kahit sino pinapatos niyan diba?" biglang sabat ni Errol.

Minsan lang 'to makisali sa usapan namin kaya napatingin kaming lahat nung nagsalita siya. Tinignan siya ng matalim ni Lance. "Pwede ba? Kung makapagsalita ka parang kilalang-kilala mo ako ah?"

Simula palang,hindi na masyadong nagpapansinan yang dalawang yan. Parang sa tuwing nagkikita sila laging may mataas na boltahe ng kuryente ang bumabalot sa kanila. May gap parin talaga sa pagitan nila..

"Tama na iyan." biglang nagsalita si Kevin. Tumayo si Lance at tumingin sa buong grupo..

"Alis na ako." at naglakad na siya palayo.

"Gulo talaga ng buhay nun." naka-ngusong sabi ni Lloyd.

Malamang mambabae lang yun kaya umalis.

"Kwento niyo nga sakin kung anung nangyare noong gabing dinala ni Lance si Riya dun sa HQ." sabi ko sa kanila.

"Ganito kasi yun.........................."

**Leslie's POV

Napaka-talaga ng Lance na yan! Bakit siya ganyan sa akin? Yung ibang babae pinapansin niya. Ba't ako pinagtatabuyan niya? Itong ganda kong 'to! Iniisnad-isnab niya lang ako!

Si Jaron? Noong una akala ko mag-eenjoy ako sa kanya. Mukha kasi siyang magandang paglaruan kesa kay Lance na nakikipaglaro din. Pero nag-kamali ako. Nakakaboring siya. Gwapo nga siya at mayaman. Pero puro pa-tweetums lang ang alam. Hindi siya marunong magpa-thrill ng relasyon. Puro kami date sa mga mamahaling resto. Puro bigay ng mamahaling regalo. And just imagine? Umabot pa kami ng 3 months bago niya ako hinalikan. At halos mag-iisang taon bago may nangyari sa amin. I mean.. Napaka-boring talaga. Argh!

Gusto ko kasi yung mga lalaking kaya akong bigyan temptasyon. Yung hindi lang puro paglalambing ang alam. Yung nakaka-excite kasama. Parang si Lance. Kaya lang pakipot pa...pero sa tinagal ng relasyon namin ni Jaron, at sa mga bagay na ginawa niya para sa akin. Inaamin ko naman na minahal ko na siya. Kaya nga ako nakipaghiwalay sa kanya. Ayokong mas lumalim pa ang nararamdaman ko..

"Girl! Alam mo na ba yung tsismis?" out of nowhere na tanong ng friend kong si Claire.

"Ano?" tanong ko.

"May nakakita daw dun sa reyna ng Carson U na lumabas galing sa bahay ng latest ex mo kaninang umaga."

What? Babae? Sa bahay ni Jaron? Ako lang dinadala niya sa bahay niya! At dapat ako lang!

"Sino ba yang reyna ng Carson U na iyan? Hindi ba niya alam na ako lang ang babaeng pwedeng tumapak sa bahay ni Jaron?" nanggigigil ako! Naiinis! Hindi pwedeng may ibang babae na agad si Jaron! Dapat ako lang ang mahal niya!

Loved By A Gangster (Published Under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon