Chapter 38: Dethroned

2.7K 23 4
                                    

**3rd Person's POV

Nang biglang mawala si Riya sa linya ay agad na nagmadali si Stefan. Sobrang kaba ang nararamdaman niya. Wala siyang ibang sisisihin kundi ang sarili niya kapag may nangyari kay Riya dahil siya naman ang dahilan ng pagpunta nito sa condo.

"God. Please! Wala po sanang masamang nangyari kay Monique.."

Nakita niyang ay nakalagay na 'out of order' sa elevator. Inisip niyang iyon na nga ang elevator kung saan na-stock si Riya. Tinawagan niya ang operator para ayusin pero pinapa-diretso nalang siya nito sa ospital.

**Lance's POV

Alam kong wala na dapat akong concern sa kanya pero hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili ko dahil nasa peligro na ang buhay niya. Nang babaeng pinaka-mamahal ko.

Sinundan ko siya. Sa pagsunod ko sa kanya ay nakita ko si Hayana. Isa sa miyembro ng Evil Mariposa na trumaydor sa akin.

Pumasok siya sa same elevator na pinasukan ni Cahriya. Stefan's unit was in the 4th floor.

I think I'll be using the stairs.

When I was in the 3rd floor. I saw Hayana coming out of the elevator. Naghintay ako ng susunod na lalabas pero wala na. Imposibleng naunang lumabas si Cahriya sa kanya.

Lumapit ako sa elevator at nakita kong nakabukas ang pinto nito pero wala yung mismong elevator. Sinasabi ko na nga ba. May ginawa si Hayana.

---------

Agad ko na siyang dinala sa ospital nang makita ko siya. Pinatawagan ko na rin si Stefan para pag nagising siya ay hindi ako ang makita niya. Oo, mahal ko pa siya. Oo, galit pa din ako sa kanya. Kaya di ko pa kayang kausapin siya. Masakit pa rin sa akin ang ginawa niya. Naisakripisyo ko ang gang ko dahil sa kanya. Dahil sa katangahan ko sa pag-ibig ko sa kanya.

Ngayon alam kong malabo na ang posibilidad na maibalik ang dati.

Sometimes it is easier and better for us love someone from a safe distance. Mamahalin ko nalang siya kahit na malayo siya sa akin..

**Stefan's POV

Hindi ako maaring magkamali. Si Lance ang nakita kong lumabas mula sa kwarto ni Monique. Papunta siya sa direksyon ko dahil lalabas na siya ng ospital, kaya tumalikod ako at nag-kunwaring nag-tatanong sa Information Center.

Anong ginagawa niya dito? Siya kaya ang nagdala kay Monique dito sa ospital?

---------------

Pagpasok ko sa room niya ay tulog pa rin siya. Namumutla pa siya. May oxygen mask at kung anu-anong apparatus pa ang nakalagay.

Anong nangyari sa kanya? Anong kinalaman ni Lance sa nangyari sa kanya?

"Ah sir? Kayo po ba yung guardian ng pasyente?" tanong nung nurse na kakapasok pa lang.

"Ah wala siyang guardian dito ngayon. Kaibigan ko siya. Ano bang nangyari sa kanya?"

"Sabi po nung gwapong lalaki na naghatid sa kanya dito kanina.. Nakulong daw po siya sa elevator. Naubusan siya ng hangin kaya hinimatay."

Bihira lang masira ang elevator sa condo. At nasisira lang yun pag nandyan si Hayana. I think I know who did this to her.

**3rd Person's POV

Kumpleto na ang lahat. Isang grupo nalang ang hinihintay. Ang pinaka-pinuno nilang lahat. Ang BOS.

"Well well.. Look who's here? Andito ba kayo para panuorin kung paano patalsikin sa trono ang pinuno ninyo?" mapanuksong ani Say. Ang leader ng Evil Mariposa.

Loved By A Gangster (Published Under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon