Chapter 18: Her Heart Beats For Him

4.5K 62 7
                                    

**Cahriya's POV

I let him do it. I let him kissed me. Why? To figure out what I really feel for him. And I found nothing. KJ is just a friend for me now. Yes, I used to like him but now...it's all gone. And as for Nico... Thanks to him.

Buti nalang nandyan siya at hindi niya ako pinabayaan. Kahit papano napagaan niya yung loob ko. Sana lang maging maayos na ang lahat. Maghanda-handa ka na Lance. Dahil malapit na akong makaganti sa lahat ng kagaguhan na ginawa mo.

-----

Andito ako ngayon sa mall. Having an intrapersonal date. Nakakabangag sa bahay. Wala akong magawa. Wala na yung pinaglalaruan ko.. E paano kaya kung si Lance naman yung gawin kong pet ko?? Pero hindi. Masyadong madali para sa kanya yung ganon. I will just stick to the plan A.

"Is this sit taken?" napatingin ako sa taong nagsalita sa harap ko. Isang gwapong guy ang nasa harap ko ngayon. Matangkad,maputi at napaka-masculine ng katawan niya. Simpleng t-shirt at fitted jeans lang ang suot niya.

Pero wala akong pakialam. =__=

"No it's not. But you can't sit there." mataray na sagot ko sakanya. Wala akong pake kung gwapo siya. Ayoko ng ka-share.

"Please? Wala na kasing bakante e." pagmamaka-awa niya.

"Di ko na problema yun." at itinuloy ko na yung pagkain ko. Oorder-order kase tapos wala naman palang upuan. Tsk. Katangahan ng mga tao oh.

"Ang damot naman nito. Mabulunan ka sana." inis na sabi niya habang nakatingin parin sa akin. Loko 'to ah?

"Anong sabi mo? Gusto mong supalpalan kita ng tissue?" galit na sabi ko sakanya kaya napatingin ang ibang costumers sa amin.

"Uy Aldrian!" sigaw nung isa pang cute guy sa may di kalayuang table. Student siya. Naka-uniform pa. At mukhang nag-aaral sa Conrad Blu University. Ang mahigpit na karibal ng school namin.

"Oy!" sagot niya dun sa guy.

"Maiwan na kita. Iyong-iyo na yang table."

"Oo talaga! Sige alis na! Shoooo!" pagtataboy ko sakanya.

Gahd. Panira ng atmosphere. Habang kumakain ako ay napatingin ako sa direksyon nila. Nakatingin silang dalawa sa akin at nagtatawanan pa. Ano 'to? Pinagti-tripan ba nila ako? Those two moron! Humanda kayo sa akin pagtapos ko dito!

Pagtapos kong kumain ay tumingin ulit ako sa kanila at sakto din namang napatingin din sa akin yung guy na naka-uniform. Binigyan pa niya ako ng isang nakaka-asar na smirk. Humanda kang hayop ka! Magtutuos tayo! Nilapitan ko na silang dalawa at tumayo sa harap ng table nila.

"Yes may kailangan ka?" tanong sa akin ni guy in uniform.

"Baka makiki-upo? Sorry. No space for new bitch." natatawang sabi nung Aldrian guy. At tinawag niya akong bitch? Oh yeah? Ipapatikim ko sa kanila ang pagka-bitch ko.

"Shut the fuck up. I'm not talking to you." seryosong sagot ko sakanya.

"But you're not talking to anyone here." pambabara sa akin nung isa.

"Now I'm talking to you." nakangiting sagot ko.

"What do you want?" seryosong tanong niya.

"To waste your time. Alam niyo, ang ayaw ko sa lahat ay yung pinagti-tripan ako. Kaya kayong dalawa. Umayos-ayos kayo kung ayaw niyong masampolan ng pagka-bitch ko." pagbabanta ko sa kanila.

"Stefan, nanghahamon pa oh. Patulan ko na?" sabi nung mayabang na hambog na Aldrian na yun. Pero imbis na sumagot ay itinaas lang nung Stefan yung kamay niya at sumenyas ng 'Wag'.

Loved By A Gangster (Published Under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon