Chapter 4: Her Pet

8.6K 122 13
                                    



**Riya's POV

Walanh hiyang 'to? Nagsasalita pala habang tulog? At ano daw sabi niya? Slave?? Hmmmm... Alam ko na gagawin ko sakanya. Hehehe

"Uhmmm..Ang sexy mo pala Riya. Uhhh..." Tado pala 'to e! Binato ko siya ng unan at sabay napatayo siya.

"Anong nangyari?" mapungay pa yung mga mata niya habang naglalakad papalapit sa akin. Pinaghahampas ko siya nung isa pang unan. Err! Bastos siya! >.<

"Walang hiya kang manyak ka! Pagpapantasyahan mo pa ako ha?" hinahampas ko parin siya.

"Gago ka! May paungol-ungol kapang nalalaman diyan!"

"Aray ko naman! Sandali nga lang! Masakit na yan ah!" reklamo niya pero hindi parin ako tumitigil. "Tsk! Bakit ba kasi? Ikaw lang ba ang Riya sa mundo?" Tinignan ko siya ng masama. Gago talaga 'to? Idedefend na nga lang yung sarili papahuli pa.Tsss. Tanga.

"E sino pa bang Riya kilala mo? Tss..Papahuli kapa agad e. Wala pa nga akong sinasabing may sinabi kang 'Riya' agad mo namang tinanong yan? Napaghahalataan ka men!"

"Arggh! Ewan ko sayo!" namumula yung mukha niya. Manyak talaga! Naglakad siya papunta sa pinto pero nagsalita ako. Kaya naman napa-tigil siya.

"Alam ko na kabayaran mo dito sa ginawa mo sa akin." Binigyan niya lang ako ng what-is-it? look.

"You're going to be my pet..." at nag-wink pa ako. Oh well.

**Lance's POV

"Cojie?Nasan na daw ba si Jaron? Isang linggo ng hindi nagpapakita yun ah?"

"Hindi sumasagot sa mga tawag ko e. Hindi ko rin siya nakikita sa school."

"Balita ko bro nakipag break na daw si Leslie sa kanya. Malamang nagmumukmok na yun." biglang singit ni Clyde.

Tsk! Kaya naman pala! Malamang nga nagmumukmok na yun! Mahal na mahal nung gago na yun yung flirt na girlfriend niya e. Ewan ko ba sa kaibigan kong yun. Masyadong sineseryoso mga babae. Di na talaga natuto. Bakit di nalang kasi nila ako gayahin diba? Mas masaya ang buhay kapag nakikipag-laro ka lang. That's a fact.

Wala kaming magagawa. Sampu nalang kaming haharap sa mga ungas na yun. "Hayaan na natin siya. Kaya naman natin sila." Pagkasabi ko noon..sinimulan namin ang laban.

***

Tss. Walang kwenta. Ni hindi pa nga ako pinagpapawisan tumba na agad sila. Psh..

"Lance!!" Muntik na ako dun ah! May natira pa palang isa. Balak pa akong paluin ng tubo sa ulo. Mabuti nalang naunahan siya ni Jaron.

"Sakto ka ah?" sabi ko sakanya at sabay nakipag-apir.

"Pasensya na ngayon lang ako. May inasikaso pa kasi ako." sabi niya habang nakikipag-apir din sa buong gang.

"Si Leslie?" tanong ko habang nagsisindi ng sigarilyo. Ngumisi lang siya at inakbayan ako. Iba na ata inaasikaso nito ah?

"Dapat nga siya inaasikaso ko kaso hindi e." seryosong sabi niya. Ano kayang pinagkakaabalahan nito?

Biglang nagring yung phone ko kaya sinagot ko muna. Si Ziri pala.

"Hello babe?Napatawag ka?" malambing na sabi ko. Napatingin naman bigla yung mga gago sakin.Tinignan ko lang sila ng masama.

Ziri: Babe busy ka ba? Pwede mo ba akong sunduin dito sa school?

"Sure babe.Ngayon na ba?"

Ziri: Oo babe.Salamat. I love you. Mwah!

Loved By A Gangster (Published Under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon