Pictures

1.2K 24 1
                                    

Aki's POV

my friends healed my wounds first before recollecting themselves again. Ayaw na ayaw nila akong nasusugatan lalo na't alam nila na may sakit ako.

"Athena, sumama ka kay Cerberus okay? Kayo ang look out sa buong lugar at pag may nakita kayong kalat, linisin niyo agad, make sure na hindi ako maaalis sa paningin niyo"

"yes kuro quandisa" napatingin naman ako kay chastine at pristine na halata ang pag aalala saakin.

"kayong dalawa naman, sumabay kayong dalawa saakin sa kotse, i have something to tell you"

"yes kuro quandisa"

Napatingin naman ako kay oleander at tristesse na agad nag bow saakin pagkatapos kong tignan.

"kayo namang dalawa ay makipag coordinate kay phoenix and hyde, and kahit kay bellona. She already infiltrated the enemy's territory"

"yes kuro quandisa"

"by the way, what happened to clark reese? "

Napalingon silang lahat kay oleander at tristesse na may inilabas na maliit na bote at ginawang keychain, at sa loob ng boteng yun ay abo.

"he's dead. Shot by the blue whale's gun and tortured by the red fire"

"may i have his eyes?"

Binigay naman saakin ni oleander yung boteng naglalaman ng abo. These are clark reese's eyes. That's oleander and tristesse for you. Pag may pinapatay sila kukunin nila ang mga mata at susunugin at ilalagay sa boteng ganto at gagawing keychain.

"do it with winter too oleander and tristesse, lahat ng kakalaban saatin ay gusto kong maging abo"

Tumango sila saakin at agad na tinignan si winter na nakalumpasay sa sahig at habang tinitignan ko siya napaisip ako, maghanda ka na sunshine buenivito, i will play with your ashes once you're done.

Pagkatayo ko sa inuupuan ko ay agad ng pumasok sa kanilang mga kotse ang mga kaibigan ko samantalang ako ay sumunod kay chastine at pristine. Pumasok na ako sa kulay pula nilang hyundai accent.

"dumiretso na kayo sa base niyo mamaya pagkahatid niyo saakin sa mansion, okay? "

Tumango sila at agad na pinaandar ang sasakyan at agad na nagsunuran ang mga kaibigan ko, while cerberus and athena is leading the way. Habang nakatanaw sa labas ay naalala ko ulit si pierce with phinx. Talaga bang namatay sila? Am i ready to face them? Nagulat ako ng biglang tumabi sa gilid namin ang kotse nila oleander at binuksan ang bintana nito,

"pristine buksan mo ang bintana" binuksan naman agad niya at merong inabot si tristesse kay pristine and it's my cellphone.

"is this yours queen? "

"yes it is" kinuha ko agad yun at sabay nilang sinarado ang bintana bago pinaharurot ang mga kotse at napunta sa pinakalikuran sina oleander.

Pagkatingin ko sa phone ko ay pinindot ko agad ang message saakin ng kaibigan kong si gwyn.

I'm always at your back.

That's what her message says. Tinago ko na ang phone ko at agad na naging alerto sa lugar na dinadaanan namin. Napatingin ako sa kalangitan at nakita ang nagdadaanang mga eroplano. Til now, I'm still hoping that he's alive. That they are alive. Ipipikit ko pa lang sana ang mga mata ko ng biglang tumunog ulit ang phone ko at nakitang number iyun ni kuya.

Stay Safe and wait for us.

Napailing nalang ako. Alam niya ba ang nangyayari dito? And who's "us"? Maya maya ay may nag message ulit saakin na unknown number,

The Silent Mafia BitchWhere stories live. Discover now