My Ex

2.3K 42 0
                                    

Yvelienne's POV

Nandito kami sa labas ng kwarto ni aki naghihintay na matapos ang doctor sa pagtatahi ng sugat ni aki sa bandang balikat. Kylie and me are staring blankly at angel na ngayon ay nasa gilid ng pintuan at nag-aabang rin katulad namin at sina myrie naman at sam ay abala sa dalawang bata na kumakain ngayon ng mami ata at si luke at jake naman ay naka-tayo lang at nag-uusap sa di ko malamang usapan.

"Because of you, nabuksan na naman yung sugat ni aki!"

I guess hindi na nakatiis si kylie kaya naman nakatayo na siya ngayon at kaharap si angel na walang tigil ang pag-iyak.

"I didn't mean it! Hindi ko naman alam--"

"Lagi mo namang hindi alam! You never cared for her! Simula nung naging kayo ni josh ay nawalan ka na ng paki sakanya!"

Nagkagulo na silang dalawa, hawak hawak ni jake si kylie at nakabantay naman si josh kay angel na parang anytime ay pwede kaming sumugod sakanya. Sina myrie naman ay nakahawak din kay kylie at si sam ay nakabantay sa dalawang bata na ngayon ay nakatingin ng masama kay angel at si luke ay nakatayo lang sa gilid ko, like he's waiting me to move or do something that can harm angel. Well, di ko sila masisisi... Pag si aki ang pinag-uusapan iba na iyun, she's strong outside but never inside.

"I always cared for her! Siya yung pinsan kong tinuring kong kapatid!"

"Kapatid pero inahas mo yung boyfriend? Meron bang ganoong kapatid?"

"It's not my fault to be inlov--"

Biglang kumawala si kylie sa pagkakahawak sakanya ni jake kaya naman lumapit ako pero huli na dahil nasampal na ni kylie si angel.

"Walang karapatang gawin yun sakanya kylie! Ni si aki ay di niya magawa iyun pero ikaw na di ka naman kad--"

Sinampal naman ni kylie si josh.

"Kayang kayang gawin ni aki ang bagay na yun! Mas malala pa nga ata eh, pero never niyang ginawa. Why? Because she knows that you will know everything between them! At pag nalaman mo siya ang pagbubuntunan mo! Si aki na mahal na mahal ka! You didn't deserve her, any single piece of her and even her tears!"

Umiyak na si kylie at nanghihina na pero nanginginig parin siya sa galit.

"Alam niyong dalawa na mahal kayong pareho ni aki kaya never niyang magagawang masaktan kayo! Pero kayo, never niyo siyang minahal! Ok lang naman kung may iba ka josh eh! Pero bakit pinsan pa niya?! At ikaw angel, alam mong sila pa ni josh pero inagawa mo na!"

Susugurin sana ulit ni kylie sina angel pero napigilan ko na siya at inilalayo na ni josh si angel saamin.

"I loved her, but it was never enough--"

"It was enough for her josh! Makita ka lang niya ay okay na, paano pa kaya pag minahal mo na! But i guess you never loved her! Three years kayong nagsama pero yung first year mo lang siya minahal....natutong mahalin! Pero it fades when you saw angel! You cheated on our friend big time! Two years mo siyang pinaniwalang mahal mo siya!"

Napaupo na sa sahig si kylie kaya naman ako na ang humarap kala angel,

"Umalis na kayo dito please lang"

"Aalis kami once we assure aki is already okay"

"She's ok....bago kayo dumating"

Nagkatinginan kami ni angel sa sinabi kong yun. Tumango si josh at umalis na, buti naman. Nakita namin si pierce na pumapasok na sa loob ng room, di namin siya napansin kanina ah?

"Tapos na ba? Pwede na ba tayong pumasok?"

Tanong ni myrie.

"Pwede na siguro"

The Silent Mafia BitchWhere stories live. Discover now