Friendship Goals

1.5K 32 0
                                    

Aki's POV

Nasa kwarto ko ang mga camcorder na nakuha ko sa damit ng mga tauhan ko sa famiglia. Bawat isa sa kanila ay merong dalawa hanggang tatlong cctv na nakasabit sa damit nila at iilan pa ang nakuha namin sa headquarters namin kaya lumipat agad sila sa underground tunnel na nasa underground ng bahay namin.

"Anong unang plano?"

"Kakabitan natin sila ng mini grenades. Alam ko naman na kung nasaan rin ang headquarters nila dahil nireport na saakin ni lienne. All we need is to track the first consiglieres of the famiglias involved"

Tumango nalang sila saakin at pinagmasdan ulit namin ang mga camcorder na maya maya lang ay susunugin namin. Biglang may kumatok sa kwarto kaya naman  inabot ko yung box na nasa ilalim ng kama ko gamit ang paa ko at inilaglag doon yung mga camcorder at isinipa ko pabalik sa ilalim ng kama.

"Anak, may mga bisita ka"

Mga talaga? So marami sila? Tumango nalang ako kay nanay jing at tumingin kala myrie na nakangiti saakin at bumaba na ako.....

"Felicity"
"Akieya"

Nagulat ako ng nakita kong parehas na parehas ang porma ng dalawang ito. Si Pierce at si Josh. They are both wearing navy blue polo and sky blue denim pants. Si pierce ay may dalang boquet of ferrero rocher and i must admit na nagtagal ang titig ko doon.

"Oh, what are you doing here josh?"

Bumaba na ako at dumiretso sa tabi ni pierce.

"I saw Angel with these people. And i believe na magkikita sila sa Armon's Paradise sa Quezon ngayong eight o' clock ng gabi"

Ibinigay nya saakin ang isang litrato at nandun si angel kasama ang pamilya ni Sunshine. The Buenivito Family, I see.

"Thanks for the info josh"

Umalis na sya at maya maya lang ay narinig kong pinaandar nya na ang kotse nya. Napatingin ako kay pierce ng bigla siyang tumikhim. 

"good morning kiss ko?"

napatawa nalang ako at tumingkayad ako para halikan sya sa pisngi nya. binigay nya saakin yung boquet ng favorite kong chocolate, simula nung inuwian ako ni papa ng Ferrero, natuto na akong mahalin ang mga tsokolate. 

"Nag-usap ba kayo ni josh?"

napamaang sya saakin nung sinabi ko yun, samantalang ako patawa tawa na.

"why?"

"you have the same taste on clothes"

tapos napatingin siya sa suot suot nya at bigla nalang syang napapikit at hinilamos ang dalawang kamay sa kanyang mukha tila nalaman kung bakit ako natatawa. 

"Shut it felicity"

pero imbes na tumigil ay tumawa lalo ako, he's so cute! 

"by the way felicity, pinapasama ako ni dad sa Taipei...... it would be one month, ok lang ba sayo?"

"oh...........ok lang"

kahit hindi........okay lang.

"you sure? I can cancel this trip for you felicity, you know I do"

"It's ok, it's your dad's request, it would be harsh if you won't be with him"

"ok thanks"

Then he kissed me on the temple of my forehead. Okay lang naman talaga hindi ba, felicity? Maya maya lang ay merong tumawag sakanya, and then pinakita nya saakin kung sino yun at nalaman kong dad niya pala.

The Silent Mafia BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon