DATE 2

2K 35 0
                                    

Aki's POV

Hindi ko alam na nakatulog na pala ako at nagising nalang ako dahil sa unting pag-alog ni pierce saakin. 

"felicity, gising na"

unti unti akong gumising at pag-tama ng mata ko sa mata niya ay nakaramdam ako ng saya......at kaba?

"kain muna tayo, meron pang 15 minutes para makarating tayo sa batangas"

inalalayan niya ako at lumabas ako sa sasakyan niya, pumasok kami sa restaurant na may ngalan na Smith Butcher and Grill room. Pagkapasok namin ay may lumapit agad na staff at sinabi ni pierce ang "table for two" and pinaupo kami sa second floor kung saan overlooking ang city,

"anong order mo felicity?"

tinignan ko panandalian yung menu, 

"giant tiger pawns glazed with classic thermidor sauce, twice baked potato with french cheese and Bernard Baudry Chinon please"

ngumiti naman si pierce at tila na-amazed sa sinabi ko............ang dami ko palang inorder!

"ay ok lang--"

"it's ok felicity......no worries"

sabay na kaming kumain at paminsan minsan ay may itinatanong kami sa isa't isa na sinasagot rin naming pareho, nung patapos na kaming kumain ay biglang may nagsalita sa likuran namin dahil palabas na kami ng resto,

"oh pierce"

napalingon kaming dalawa ni pierce at nagulat ako ng nasa harapan ko ngayon ang heiress ng buenivito famiglia, pierce's ex girlfriend. She's wearing button down floral dress at fringe buckle strap chunky heel at meron siyang suot na red fedora, meron din siyang hawak hawak na fashionable checked and cover design clutch bag,

"oh, you're with someone....someone pretty familiar"

napatingin ako sakanya ng nakita kong tinitignan niya ang suot ko, ang katawan ko.....at ang kaluluwa ko, pero kung sakanya hanggang tingin lang, ang ginawa ko sakanya ay isang titig na kayang ihiwalay ang kanyang kaluluwa sa katawan niya.

"may i know who you are miss?"

"Miss Blanco"

napatanga naman siya sa sinabi ko, anong akala niyang sasabihin ko? buong pangalan ko? 

"and you are?"

"Sunshine Buenivito"

tumango na ako at nakita kong nakatingin siya kay pierce na ngayon ay hawak hawak ang kamay ko dahil gusto niya ng lumabas kami,

"mauuna na kami miss buenivito"

hinila ko na si pierce palabas at pinagbuksan niya ako ng pintuan at pumasok na rin siya sa driver's seat at sinimulan agad ang engine at umalis na kami roon,

"i'm sorry for sunshine"

"no it's ok pierce, wala naman siyang ginawa.........are you still affected?"

umiling naman siya and i felt relieved.....ewan ko kung bakit relieved? siguro ayoko siyang masaktan pag pinatay ko si sunshine or dahil hindi niya na mahal si sunshine? patuloy lang kami sa pagbiyahe nung nakikita ko na ang pasukan ng beach ay siya namang pag-tigil ng kotse na ikinatawa ko,

"ang malas natin hahaha"

natawa narin siya at bumaba at binuksan ang pintuan ko, at inalalayang bumaba, 

"siguro kailangan nating maglakad mula rito hanggang sa mapunta tayo sa magunlawan beach"

"siguro nga"

The Silent Mafia BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon