Beating Erratically

1.9K 31 0
                                    

Yvelienne's POV

Pagkasabi ni aki na dumapa lang kami ay dumapa lang naman talaga kami, and we let her do the work. Isang pitik lang ng kamay nya pedeng sabay sabay na mamatay ang mga alagad nung sunshine buenivito na yun. Maya maya lang ay nakarinig na ako ng pagkasa ng baril, pero ginamitan ng silencer upang di gumawa ng nakakabulabog na ingay. At pagkatapos ng dalawang minuto ay sya namang sabay sabay nagbukas ang ilaw, tanda na tapos na ang palabas. Maya maya ay nakita na namin si aki at pinapaligiran sya ng mga tauhan ni SS buenivito, 

"wala ni isa ang bumagsak sa mga tauhan ko, parang sumagad naman sa baba ang tingin ko sayo miss blanco"

kami kaming magkakaibigan ay tumayo na pero nasa gilid lang kami at pinagmamasdan kung paano nanaman papahiyain ni aki ang kumakalaban sakanya. 

"don't worry, kung sayo sagad sa baba ang tingin mo sakin......you slay it miss buenivito, dinala mo pati sa tirahan mo ang pagtingin ko sayo"

ngumisi si aki pagkatapos nyang sabihin yun ng biglang nagsalita si SS.

"Sa sobrang taas ng kinalalagyan ng bahay ko, baka di mo na maabot ng tingin yon....ganun pala kataas ang tingin mo saakin miss blanco, it's nice"

tumawa ng pagkalakas lakas si aki na pati kaming kaibigan nya ay natawa na din. She used her Serial killer laugh already! pasabog talaga to. 

"don't be so full of yourself, nasa impyerno ang bahay mo.....kaya pati pagtingin ko sayo nandun na sa paboritong lugar mo, sobrang baba diba?"

nag-iba ang paghihilatsya ng mukha ni SS, she was about to steal the gun from a man beside her ng lahat ng tauhan nya ay nangisay.......looks like, nakuryente. 

Aki's POV

Ooopsie. Tumalab din sa wakas ang balang nilagay ko sa mga tauhan nya. Looks like, ako nanaman ang panalo neto. 

"ohh my gosh, hindi ko naman alam na bawal mo silang hawakan, ganun ba katindi ang kadilimang bumabalot sayo sunshine buenivito?"

lumapit ako sakanya at pansin kong nangingisay sya sa kaba. 

"next time, wag mong maliitin ang kakayahan ko, because next time na ulitin mo yan.....ikaw na ang mangingisay sa balang ibabaon ko sa utak mo, so.....beware"

kinuha ko ng mabilisan yung baril na nasa kamay nya at tinutok ko sakanya na kaagad nyang itinapon. 

"maiwan na kita sunshine, sana di na maulit ito....don't dare to mess with me"

nilagpasan ko na sya at kinindatan ko ang mga kaibigan kong nakangisi mula sa iisang sulok. Walang makakatalo sakin. Sana itinatak na ni sunshine yun sa sarili nya ngayon. 

"Nice one aki"

natatawang sabi ni sam saakin, 

"well, simula pa lang yan"

sabay sabay na kaming naglakad nina sam papunta sa kwarto ko. Sisimulan nanaman nila akong sermunan at panigurado yun. Pagkapasok na pagkapasok namin sa kwarto ko ay humiga agad ako sa kama samantalang yung tatlong babae ay sa tabi ng kama ko naupo at yung tatlong lalaki naman ay nasa gilid lang ng kama nakatayo at paniguradong nakatingin saakin habang ako ay nakatingin sa kisame ng kwarto. 

"where did you go last night akieya felicity blanco?"

"naglibot lang"

"oh really? nilibot din namin yung buong isla pero wala ka"

"hindi naman kasi ako sa isla naglibot"

"so saan ka nga naglibot?"

"sa kwarto"

The Silent Mafia BitchNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ