I would love you

1.9K 31 0
                                    

Aki's POV

Pabalik na sana kami ng hotel ng nakita naman naming pabalik na din sina myrie sa hotel kaya naka-isip ako ng idea,

"yowww!"

napatingin naman silang lahat saakin. Oo, lahat talaga, pati yung mga di ko kilala kaya narinig ko nanamang tumawa si pierce na nasa tabi ko lang. Pansin ko kanina pa siya tawa ng tawa, happiness? pati tuloy puso ko, tibok ng tibok ng abnormal. Hindi na ako magtataka kung mamatay nalang ako dito bigla sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

"ang ingay mo no?"

"ako pa ba?"

"bakit ba?"

"kain tayong smores!!!"

"SIGEEE!"

sabay sabay na banggit nung tatlong babae, kaloka. 

"halika puwesto na tayo doon sa grill house, manghiram tayo ng griller"

sabay sabay kaming pumunta dun pero kaming mga girls yung nangunguna tas yung boys sa likod opkors. Pagkatapos naming manghiram pumunta kaagad kami doon sa west side ng beach at nilatag yung hiniram naming blanket tapos naupo kami doon. Bale yung pwesto lahat ng girls sa left side tas yung boys sa right side, katapat lang namin yung mga partners namin ahihihi. Char. Lande ko po, sensya. Tapos umalis saglit ung boys pagbalik nila meron silang heineken na dala dala tapos dalawang karton ng chuckie. WIHEE :> pustahan, para saakin yun! Pagkaupo nila nakangiti sila habang nakatingin saakin, 

"SORRY AKI"

hala? mga tanga na. Yun so lahat sila may tinotoast na marshmallow pero ako chuckie yung hawak ko, at iba yung lasa ng chuckie, may kunting pait? di naman sya expired... sa december pa expired nya eh june palang naman. Pabayaan ko na nga, baka dahil na talaga to sa sakit ko, alangan man pati lasa ng chuckie isisi ko kay pierce diba? sapat na yung mabilis na pagtibok ng puso ko yung isisi sakanya , and yung smores ko? iyun tinotoast ni pierce, natatakot kasi ako sa apoy kaya ayun siya na nagpresintang sya nalang daw mag toast nung marshie ko. after 12 minutes ang dami na naming nakaing smores! katakam! at paubos na rin yung ikalawang karton ng malaking chuckie, at di ko alam kung bakit parang may tama ako kahit na sila lang dapat yung meron........ di kaya?

"hoy kay-hik*- nilagyan - Hik*- nilagyan nyo ba ng -Hik* - alak yung chu--"

di ko na alam kung ano yung nangyari basta ang alam ko na lang ay nagtawanan sila doon at kinarga ako ni pierce paalis doon tapos nagpaalam sya sa mga kaibigan ko. Habang karga karga nya ako ng pa-bridal style ay hinihele nya ako gamit ang kantang ikaw by yeng constantino, and i can tell that his voice is awesome. nakakakilig. 

"ang- hik* - ganda ganda -hik* - pala ng voice mo"

natawa nalang sya at pumasok kami sa elevator tapos unti unti ng pumipikit yung magaganda kong mata (lasing na ako XD!), hanggang sa makapasok kami sa presidential suite naririnig kong nakabukas yung plasma tv at may nanunuod ng barbie doon and for sure na si phinx yun. tapos maya maya ay naramdaman kong pumasok kami sa kwarto ko, at inihiga nya ako doon pero di parin bumibitaw yung kamay ko sa leeg nya, ang sarap nya kayang yakapin. 

"tulog na felicity"

"i don't wanna"

mas lalo ko pang hinigpitan yung yakap ko sakanya, kaya napatawa sya tas, naramdaman ko lang na inayos nya yung gulo gulo kong buhok at nung naayos nya yun nakita kong nakatitig lang sya saakin kaya ngumiti ako sakanya at sinuklian nya din yun ng matamis na ngiti, tapos unti unting kumalas yung pagkakayakap ko sakanya at hinele nya pa ako ng kunti at nararamdaman kong pati diwa ko ay inaantok na kaya pumikit na ako, maya maya lang ay tumahimik, diidilat na sana ako kaya lang bigla syang nagsalita at ramdam kong malapit yung mukha nya sa mukha ko, 

The Silent Mafia BitchWhere stories live. Discover now