Die

2.3K 40 0
                                    

Aki's POV

Nakasuot na ako ngayon ng black with touch of silver na lacy dress na hanggang sa tuhod ko at pa tube ang style. Then i wear my black stilleto heel at nag retouch ng kaunti at sinuot ko ang contact lens ko na pinakamahalaga para ngayon.

"Ate let's go na, baka ma-late tayo"

Tawag saakin ng kapatid kong nakatayo sa pintuan suot suot ang dark violet niyang dress at violet ding flats.

"Where is cynthia?"

"Nasa sala, naglalaro sa Ipad"

Ngumiwi siya nung sinabi niyang Ipad. Ayaw niya kasing humahawak ng gadgets sa totoo lang.

"Ok, bumaba na tayo"

Sabay kaming bumaba at nakita silang ready na,

"Aki, may problema......it's a masquerade party"

Tumango lang ako at binuksan ang case na nasa gitna ng table at nagulat sila ng nakita ang mga ginintuang maskara na naroon sa case.

"As expected........sino pala ang nagpagawa ng bidding event na ito?"

"Si Mr. Clarkson Vendel, he is not part of any famiglia aki, sinabi niya lang biglaan na gagawing masquerade dahil isinuggest ito ni cleopatra vendel, her daughter na nakitaan namin ng iilang activities about the famiglia she's in......buenivito famiglia"

Napangisi ako sa narinig ko. Now i'm sure na may binabalak sila na mahahadlangan ko. Mga walang utak ang nasa famiglia nila.

"Suotin niyo na yang mga maskara, we'll leave in 3 minutes"

Nagkuhaan sila ng maskara, kylie and jake with blue masks, yvelienne and luke with green masks, myrie and sam with cream colored with touch of black masks, the two kids with pink masks and me with a gold mask, lahat ng maskara namin ay hanggang ilong lang.

"Let's go.....iba ibang kotse ang gagamitin natin....cars without plate numbers, i know you know it already, and alam ko na alam niyong kailangan nating palabasin na hindi tayo magkakakilala....you're free to choose what you want for this event"

"Kanino sasama ang dalawang bata?"

"Saakin sila sasama myrie, pag may nangyaring bakbakan ay kayo ang lalaban"

Tumango sila. Of course, hindi naman ako lalaban kaya paniguradong papayag sila.

"Ako ang mauuna sa ating lahat"

Tumango sila sa sinabi ko at umalis na kasama ang dalawang bata at agad sumakay sa Toyota Camry kong kotse, this car is for events like this. Wala siyang plate number.

"Ate, let's go na"

Sinimulan ko ng mag drive at umaabot lang ng 140 kmph, ganito ang normal na takbo sakin and i knew for sure na sanay ang dalawang ito sa ganto. Pagkatapos ng sampung minuto ay nakarating kami sa tapat ng Massa Hotel na ngayon ay dinadagsa ng reporters na akala mo reporters talaga pero pag tinitigan mong mabuti ay parte sila ng isang organisasyong tinatawag na mafia na kinabibilangan ko at ng mga kaibigan ko.

"Go down kids"

Sabay silang bumaba at ako ang nahuli, nilagay ko muna kasi yung kutsilyo kong maliit sa parteng itaas ng hita ko, sa damit ko kasi ay pwedeng lagyan ng baril o kutsilyo. Of course, it's me who designed this stunning dress!

"Ate bilisan mo naman"

Napairap nalang ako sa sinabi niya, duh! Ako kaya ang mas nakakatanda sakanya!

"Eh kung ipalapa kaya kita sa tigre"

Nakita ko ang pagmemake face niya kaya naman imbes na magtalo ay naglakad kaming tatlo papuntang loob at nakita namin na nagtataka ang mga reporters kung sino kami pero dirediretso lang ang paglakad naming tatlo with poise kaya pagkarating namin sa loob ay halos mapanganga ako sa disenyo ng pagdarausan ng event. The lobby has white and light blue designs at gold ang tiles ng hotel at ang mga dingding ay kulay itim....... Well, great taste. Dumiretso na kami sa main hall kung saan naroon na ang ibang mga bisita at sasama sa pagbibid. Nung nakapasok kami sa hall ay puro puti na lang ang nakita namin at mga upuan na nakabalot sa kulay pulang tela. Bakit nga ba puti? Magkakaroon iyan ng mantsa ng dugo mamaya lamang.

The Silent Mafia BitchWhere stories live. Discover now