BTT-55

3.1K 53 10
                                    

NO EDITS

~~**

Dabi’s POV

Nung makalabas na si Dustin sa hospital ay nagpasya kaming umuwi na muna sa pilipinas. Syempre, sa bahay ako dumiretso at nagpahinga habang si Dustin at Clarisse e umuwi na rin sa bahay nila.

“ ATE!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!” hyper na hyper na sigaw ni amber. Ang laki na ng kapatid ko ha! ang tangkad na.. “ sobrang namiss kita! Pasalubong ko?!”

“ makakalimutan ba naman kita?! Nasa malaking maleta. Hanapin mo dun yung pink na paper bag.” Ngumiti ako. Finally, makakasama ko na rin ang kapatid ko at maya-maya ay magkikita na rin kami nila belle. Si Rence kasi kung makapagplano..

Sinalubong din ako ni Mommy at Daddy na kagagaling lang sa firm at niyakap ako kaagad ni mommy tapos ay ngumiti lang si daddy at tumango lang ako. “ si kuya?”

“ papunta na daw dito..” sagot ni amber. “ sa taas na muna ako ha!? labyuuuu te!” at bumalik na muna siya sa kwarto niya kaya naiwan kami nila daddy at mommy sa sala.

“ Anak, galit ka pa rin ba sa amin?” tanong ni mommy sa akin.

“ Gusto lang naming magsorry sa ginawa namin sayo dabi..” dagdag pa ni daddy. “ akala kasi namin yun ang makakabuti sayo pero kahit na anong pilit namin, mahal mo pa rin pala ang lalaking yun.”

“ all this time, akala ko mas mahal mo na si dustin..”

“ Minahal ko siya, pero mas mahal ko si rence.” Sagot ko sakanila. “ naiintindihan ko na rin naman sa ngayon na gusto niyo akong protektahan pero hindi tama ang pamamaraan niyo. Hindi gangster si rence, ang daddy niya ang Mafia Boss at hindi batayan yun para ipahamak o mapahamak ako kapag kasama ko siya.”

“ anak masyado pa kasi kayong bata nun..”

Umiling ako. “ Yung mga grade 6 nga alam na kung ano ang love, tapos ako? Hindi!?! Mommy, daddy. Intindihin niyo naman ako. Dumaan din naman kayo noon sa ganito diba? Kapag mahal niyo ba ang isang tao basta basta niyo nalang itong iiwan?”

“ May mga bagay na kailangan mong gawin kasi mahal mo ang tao. May love na kailangan mong magsacrifice para sa ikabubuti ng mahal mo.” Seryosong sabi ni daddy. “ Hindi ko lang din gusto na magaya kayo sa amin na kailangang magsakripisyo ng isa para sa kapakanan ng isa. Ganun ko kamahal ang mommy mo.”

“ dad..mom.. Trust me, hindi ako iiwan ni rence. Hindi niya ako ipapahamak.. Just give him a chance to prove himself.” Ngumiti ako. “ in that way, baka tuluyan ko na kayong mapatawad.”

Behind Those TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon