BTT-38.2

3.5K 84 13
                                    

Rayleigh’s POV

“ Chill man..” sabi ko kay dustin na mukhang natataranta na. “ kamusta na?” napansin kong in-end niya yung call.

“ anong ginagawa mo dito? sinong kasama mo? kailan ang balik mo sa pilipinas?” sunod sunod na tanong niya. He’s weird. I shook my head and let him calm himself.

“ relax! kasal kasi ng ate ko, maybe next month.” lumapit naman sa amin si kenra kasama yung isang babaeng kasama niya.

“ Magkakilala kayo?” tanong ni kenra.

“ oo, schoolmate kami dati.” sagot ko naman.

“ oh lovebirds! una na kami ha? “ paalam ni kenra sakanila sabay hila sa akin dahil nagmamadali kami. out of curiousity tinanong ko si kenra kung kaano-ano ni dustin yung babae at sabi niya may gusto daw sakanya ang babae, and Dustin’s courting her secretly. pero secret lang daw kaya dapat di pinagsasabi.

Atleast siya nakamove on na kay pia. e ako kaya?

“ He’s also my crush. kaya wag mo siyang aawayin ha? Napagod ako sa photoshoot. Sinong mga tao sa bahay?! I hope aby baby is there. namiss ko siya kaagad.” ginulo ko lang ang buhok ni kenra. “ oops, ano yang suot suot mo? patingin.” sabay labas niya sa necklace na  hawak hawak ko.

“ Nakita ko yan sa park kagabi, baka kilala mo ang may ari.”

“ kaloka to! hindi naman ako taga rito para makilala ang may ari nito. “ sinuri niya ang necklace.. “ P. A. M ang initials. Kung di lang siguro nawala si dabi, iisipin ko na siya ang may-ari nito.”

“ bakit naman?”

“ P.A.M for Pia Alexa Manigo..”

“ Maniago, not Manigo.”

Kung buhay siya? iisipin ko rin na siya ang may-ari nito. “ alamin mo nga kung saan ang address ni dustin, gusto ko siyang makausap dahil may itatanong lang ako.”

“ oh no! nabading ka na kuya?” I just look at her and gave her a very confusing facial expression. I’m not gay. Damn!

Dabi’s POV

Umupo ako sa may sulok at tinignan ang bracelet na suot-suot ko. Umiiyak na naman ako, wag kang umiyak pia. Hindi ka na dapat umiiyak. Hindi magugustuhan ni rence ang inaasal mo. Tsaka pia, Hindi naman naging kayo, ni hindi nga kayo close diba? kasi ang tanga tanga mo! bakit hindi mo pa sinabi sakanya na mahal mo siya? bakit?!

Behind Those TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon