BTT- 18

4.1K 71 5
                                    

Dabi's POV

" Diyan ka matutulog! sa ayaw at sa gusto mo! wala ka ring dinner ngayon!" padabog dabog akong pumanhik sa kwarto pagkatapos kong paliguan si aby at linisan!

Im a freaking babysitter now!! as in B-A-B-Y-S-I-T-T-E-R!

" paano mo ako natitiis witch mommy?!" naiiyak na sabi ni aby habang nakaupo sa sofa habang katabi si rence na kakatapos lang maglinis.

isa pa yan! akala ko pa naman pumunta siya dito dahil naisip niyang wala akong kasama sa hell project na yan! hindi pala! pumunta siya dahil sa deal namin. 

" CHE! tumigil ka diyan witch baby!" kamusta naman ang tawagan namin? nakakasuya. nakakabanas. Mangkukulam Family ang peg namin? ganun?! "at ikaw rence, umuwi ka na.. mas lalo lang umiinit ang ulo ko sa inyong dalawa."

" you want me to leave while this child's starving?" sabay turo niya kay aby na nagpapaawa effect kay rence. tumatalab naman siya, obviously!

" ganyan ako magdisiplina. tsaka hayaan mo siyang magutom sa kasalanan niya. umalis ka na lang at puntahan yung ampon niyo ni hachi." nasasaktan ako habang binabanggit ang mga katagang yan.

" Milo's our baby." he corrected. 

sheet of paper naman rence. wag mong sabayan ang init ng ulo ko sa unlimited na sakit na binibigay mo sa akin.

" pwede mo rin po ako maging baby!" sabay taas ni aby ng kamay at ngumiti na halos makita na ang lahat ng ngipin niya. mood shifter!

" gusto mo?" baling ni rence kay aby at kinarga siya. " pwede mo rin akong maging daddy.."

Binato ko sakanila yung unan mula sa kwarto ko pababa. sapul naman yung mukha nilang dalawa. sabay pa silang napaaray at napahawak sa ulo.

" bakit ba nambabato ka witch mommy?!" aby pouted like a princess tapos yumakap kay rence at itinago nito ang mukha niya sa balikat ni rence nung makita niyang pinandilatan ko siya ng mata.

" ITS A NO! HINDI MO SIYA PWEDENG MAGING DADDY ABY!" asar na sabi ko habang napipilitang bumaba at pumunta sakanila. sa mismong harapan nila.

" bakit?" tanong ni rence.

" no sharing of baby. tsaka hindi pwedeng dalawa ang partner mo rence. pwede ba?!" sigaw ko sakanya. galit na galit na ako!

Hindi niya kami pwedeng pagsabayin ni hachi?! Two timer! Ako dapat ang legal! aah! ano ba itong pinagsasabi ko.

" Supposed to be." bulong ni rence. kumunot yung noo ko sa sinabi niya. hindi ko maintindihan. " milo's supposed to be our baby."

" what do you mean?" nagtatakang tanong ko sakanya.

Dont tell me? weh?

" unfortunately, hachi changed her mind." nakita ko ang pagkadismaya sa mga mata niya. " sabi niya mas nauna daw pala si rupert na magyaya sa kanya sa project."

nabuhayan ako ng dugo. OMG! eto na ba ang epekto ng badge ko? lalayuan na ba siya ni hachi?! gosh! its working!

" kailan niya lang sinabi?"

" Sinabi niya sa akin pagkatapos naming patulugin si milo. Kila rupert sila matutulog, so i ended up like this. maybe i should raise a child alone. babalik ako sa orphanage para umampon ng isang bata." desperadong sabi niya.

" seryoso ka?"

" oo.."

"edi wala ka ng kapartner? wala ka ring inampon? ibig sabihin wala ka ring grade."

" obviously." tapos nagkibit balikat siya kaya naman napatingin si aby sa akin na tahimik na at mukhang inaantok na. She yawned.

nabaling kaagad kay aby ang atensyon ko. " inaantok ka na ba witch baby?" tapos tinapik ko siya. pero mas lalo lang humigpit ang yakap niya kay rence. kaya naman  nagkatinginan kami ni rence pagkatapos niya akong di pansinin.

" aby, mamaya ka na matulog. bibili pa tayo ng food mo." 

" talaga po?!" tuwang tuwa siya habang pinipisil ang pisngi ni rence. Yah! aby, dapat ako lang ang gumagawa niyan kay rence. " kaso po mas gusto ko po yung lutong bahay.."

" abat! demanding ka?!" reklamo ko.

" hindi naman siguro masama kung lumabas na muna tayo dabi? ahm. grocery? para may maluto tayo."

" talaga po? magluluto ka para sa amin."

automatically he nodded. (>3<) This is it! matitikman ko na ang luto ng future asawa kong sadista!

~~** Grocery Store

Nakasakay ngayon si aby sa cart at heto kami naggogrocery kahit na gabing gabi na. Katabi ko pa si rence na nagtutulak ng cart.

" yun po! gusto ko! gusto ko!" etong si aby kung mabuhayan ng dugo! wagas! sarap isumpa! galak na galak siyang tinuturo yung mga gulay at isda.

isa-isa namang kinuha ni rence ang lahat ng tinuturo ni aby. nanatili lang din akong tahimik sa tabi nila. lumipas ang ilang minuto, marami ng laman ang cart namin..

Syempre pumila na kami pagkatapos. Para silang mag-ama kung magturingan! narinig ko pang may nagbulungan sa tabi namin.

" mga kabataan talaga ngayon, malalandi na!"

" kaya lumolobo ang populasyon sa pilipinas."

""bakit kasi hindi nila inuuna ang pag-aaral. akala siguro nila hindi mahirap magkaroon ng pamilya. harujusko!"

yan lang naman ang usapan ng tatlong matatandang uugod-ugod sa likod namin. Thanks God, may natitira pa akong respeto sa mga matatandang ito kaya hindi ko na pinatulan. Dahil wala akong magawa habang hinihintay silang matapos ay nilabas ko ang phone ko. Video? wala naman sigurong masama.

Pinindot ko ang red button sa gitna at nagsimulang marecord yung dalawa habang buhat-buhat ni rence si aby. Tinuro ni aby yung lollipop sa may counter, nag-apir sila ni rence. I want lollipop too, kaya lumapit ako sakanila habang kinoclose-up ang sarili ko sa video na papunta sakanila.

Still recording...

" gusto ko rin." binigay ko kay rence ang pink na lollipop na kaagad niya namang tinanggap." babayaran ko din. now say hi!"

pareho pa sila ng facial expression ni aby nung makita nila yung phone ko. Kaagad naman silang nakarecover. Kumaway si aby si rence naman ngumiti lang.

" dapat tatlo, para tatlo tayo. diba? witch mommy?!"

" miss, tatlong lollipop. pakidagdag na rin." ako naman ang nagulat kay rence. nagbayad siya at kinuha niya yung phone ko sa akin. akala ko papatayin niya yun, pero hindi pala. siya naman ang humawak at niclose-up kami.

Poker face lang siya, ganun din ako. SI aby naman, pareho kaming nilagyan ng naka pogi pose na kamay niya.

" witch mommy! and witch daddy! say cheese!" tapos ngumiti siya. Napanganga naman ako. Nabingi yata ako. tinawag niya si rence na witch daddy?!

HAHAHAHAHA!

" cheese!" sabay na sabi ni rence at binalik sa akin ang phone ko. tinigilan ko na rin ang pagrerecord. Kukunin ko na sana yung cellophane na may laman ng grocery namin dahil buhat buhat ni rence si aby, pero hindi niya ako hinayaan. sa halip, kinuha niya ito habang buhat-buhat si aby.

" okay ka lang?! hindi ba mabigat yang si aby?! dagdag mo na rin yang grocery natin?"

" I'm a good witch daddy. pwede kong gamitin ang kapangyarihan ko para maging malakas. diba witch baby?" tapos ngumiti siya. Kill me! nasisilaw ako.

" aye aye daddy!" sabay sumaludo si aby sakanya. Sumaludo rin si rence sakanya.

" does that mean that you want to be her fake daddy?" nag-aalangan na tanong ko..

" only if you'll allow me.."

Behind Those TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon