BTT-22

4.1K 66 6
                                    

Dabi's POV

~~** MONDAY

" OMG! i cant wait to see her suffering in front of us!"  tili ni belle sa classroom namin. habang ako masayang masaya na hinihintay si elsa dito sa cafeteria.

** FLASHBACK**

Pagkatapos kong makarecover sa nangyari sa akin kanina ay isinuot ko ng tuluyan ang coat ni rence at naglakad papuntang stage habang hinahawakan ang dress kong mahuhulog na.

Hindi ako nagpapigil. Hindi ako nagpapatalo lalo na sa isang Elsa Condrade na yan!

sinalubong niya ako ng napakalawak na ngiti, at ako? sinalubong ko siya ng isang malutong na sampal na siyang naging dahilan para mapahawak siya sa pisngi niyang namumula na.

"BAKIT MO AKO SINAMPAL?!" galit na galit na tanong niya. Andun na ako e, humuhupa na yung pagiging masama ko pero sinulsulan mo pa elsa. 

" nasa akin na ang badge ko right? so it's normal for me to slap you infront of them just because i like it." napaatras siya habang lumalapit ako sakanya ng paunti-unti. " sa oras na malaman kong ikaw ang may pakana ng lahat ng ito, sisiguraduhin kong hindi mo magugustuhan ang gagawin ko."

wala akong ebidensya para idiin siya sa kasalanan niya kaya may naisip akong paraan.

Humarap ako sa maraming tao. " May mahalaga sana akong sasabihin sa inyo, Ang sinumang makakahanap ng mga tao sa kabila ng nangyari sa akin sa gabing ito ay bibigyan ko ng pabuya. Higit pa sa gusto niyong makuha ang ibibigay ko. Iharap niyo lang sa akin ang mga taong.." tinignan ko ng matalim si elsa. " gumawa nito sa akin."

** END OF FLASHBACK**

" tingin mo ba ikaw lang belle? hindi ko nga rin alam kung tanga ba talaga yang si elsa or what pero hindi niya manlang ba naisip na pwede mo siyang paalisin sa school dabi?" sabi naman ni lizie habang sinusubuan si baby sheen. by the way, I'm with aby and Belle's with Kyo.

" ano ba kayo, wala akong planong paalisin si elsa sa school na ito." mahinahong sabi ko habang pinagmamasdan lang ang impaktitang batang si aby na kinukurot si sheen ng palihim.

" what?! hindi mo siya papahirapan?" sabay na sabi nilang dalawa.

" ano ako tanga? na hindi gaganti sa ginawa niya?! no way!" isinubo ko ang spaghetti na hindi ginagalaw ni aby. " papahirapan ko muna siya ng paunti-unti hanggang sa siya na mismo ang umalis sa school na ito."

" what a brilliant idea dabi." sang-ayon ni belle. " kyo, bibili lang si nanay ng softdrinks ha? dito ka muna kila tita lizie mo."

" opo nanay!" maamong sabi ni kyo. Nagmake-face naman si aby sa akin.

" anong problema mong impakta ka?" asar na tanong ko sakanya. Ikaw ba naman makakita ng malalaking butas ng ilong at malalaking mata niya hindi ka kaya mabwisit?

" ang rude mo naman kay aby dabi.." napahinto si lizie na para bang may narealize. " coincidence ba ito? magkarhyme o. ABY and DABI.."

" walang coincidence dito!" binelatan ko si aby at bumelat din siya sa akin.

" ikaw witch mommy? bakit ang impakta mo rin?" abat! nanlaki ang mata ko at sa tingin ko ay nag uusok na ang ilong ko sa sobrang galit kay aby.

" tinawag mo akong impakta?!" sasapatusin ko na sana nung mapansin kong biglang nagliwanag ang mata niya habang umaalis sa upuan niya at tumakbo papunta sa direksyon nila kuya.

mali pala, kila rence.

" witch daddy! bumili ka po ba ng lollipop?!" nagpakarga si aby kay rence kasama niya si sheen at kyo na nagpakarga din kay kuya at dennis.

" chupapchups with love." tapos pinakita ni rence yung lollipop kay aby na kaagad niya namang tinanggap. Hindi ako makatingin! bagong haircut si rence ngayon at bagay na bagay sa kanya yun.

Umupo sa table namin sila kuya.

Sinalubong ako ng mga ngiti ni rence na nasuklian ko kaagad ng isang pasimpleng ngiti. Pakingteyp!

" are you okay now? nakarecover ka na ba sa ball?" tanong niya dahil ngayon lang kami nagkausap ulit simula nung friday dahil umuwi siya ng camiguin kasi birthday na naman daw yata ni david, yung pinsan niya.

" im okay." tamad na sagot ko. " but i want revenge.."

" alam mo ba daddy! ang sungit sungit ni witch mommy! tinatawag niya na akong impakta ngayon kaya naman impakta rin siya dahil ang baby mana sa mommy." inosenteng sabi ni aby.

" hoy! hindi kita anak!" pagtatama ko. " at lalong hindi ako impakta! Kutong lupang to!"

" kita mo na daddy?! tinawag pa akong kutong lupa edi kutong lupa rin si witch mommy!" inosenteng sabi na naman ni aby kaya naman humagalapak lahat sila sa tawa. mga bwiset!

Natigilan kami nung may lumapit sa amin. Nakaschool uniform na mga lalaki nasa 2nd year high pa lang yata. May iniharap na dalawang lalaking nabugbog na.

"Miss Dabi, eto na po yung mga taong pinapahanap niyo. May nakita po kaming ebidensya na sila yung gumawa sayo nun." sabay pakita niya sa cellphone na may nakastore na messages ng isang unknown number.

Kwinelyuhan kaagad sila ni kuya dobi, ganun din si rence..

" kayo pala yung mga ulol na gumawa sa kapatid ko nun?!"

" Disrespectful and Miserable face! tch!"

" patawad po Ms. Dabi, hindi namin sinasadya dahil napag-utusan lang kami ni Elsa Condrade na gawin sa iyo yun kapalit ng pera nangangailangan lang po talaga kami nung mga araw na iyon." boom! He already said it!

Elsa Condrade..

" tumabi kayo." lumapit ako sa dalawang lalaki, yung isa sinampak ko at tinapakan ang paa habang yung isa sinipa ko sa sensitive part niya kaya naman sabay silang napaaray! Dinaanan ko lang sila. " we'll talk about the reward after fixing this mess and dont forget to zipper your mouth, palabasin niyong wala akong nalaman.."

Kaagad akong naglakad papunta sa classroom kung saan nandoon si elsa. SInundan din ako nila liz na halatang sabik na sabik sa gagawin ko. At gaya ng inaasahan ko, nadatnan kong nagtatawanan sila nila Hachi, Clare at Bridget.

" Hi Elsa.." bati ko kaya naman napatigil sila sa pagtawa. Nagkunwari akong wala paring alam kaya naman alam kong hindi pa rin maaalis sakanya ang mga ngiti niya simula nung ball.

" anong kailangan mo? kamusta ka na dabi? buti nakarecover ka na." pinilit niyang hindi matawa habang sinasabi yan.

Pinilit ko lang din na hindi matawa habang ginagawa niya yan.

" pumunta ako dito para sabihin sayo elsa na sana pumayag kang maging magkaibigan tayo at maging kasama sa mga tinuturing kong tunay na kaibigan dahil wala kang ginawa sa akin nitong nakaraang linggo." Ngiting-aso. SIge pia. Ngumiti ka lang! " okay lang ba sayo? uhm. friends?" sabay na inabot ko ang kamay ko sakanya.

Lahat sila napanganga. " hihintayin ko ang sagot mo ha?" binawi ko ang kamay ko na dahil matagal pa bago niya ito tatanggapin. " mag-isip ka elsa ha? at ikaw na rin hachi. gustong gusto ko kayong maging kaibigang dalawa."

Iniwan ko sila dun na nakanganga, Napangiwi pa si Bridget at lahat sila namutla. Nung makarating ako kung saan walang tao nakita ko si denver na nakatayo lang sa may gilid.

" tss. very wicked dabi." sabay apir namin.

" hindi ka pa nasanay den.." haha!

I'm going to enjoy this game..

" impaktita slash kutong lupa slash witch mommy, pinapabigay po pala ni daddy." biglang sumulpot na parang kabute si aby habang ibinibigay sa akin ang isang maliit na papel.

Let's discover aby's talent tonight. See you!

- Rence

" sino siya?" tanong ni aby sa akin kung sino si denver. " boyfriend mo o kabit witch mommy?"

~~** Elsa Condrade sa Side

Behind Those TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon