BTT-9

4.8K 68 7
                                    

Dabi’s POV

“ hahahaha! Grabe, seryoso ginawa mo yun kay papa rence? Putspa ka dabi! Nakakatakot ka pala magselos!hahaha!” hagalpak sa tawa si jill sa akin ngayon habang nandito kami sa Student President Room.

“oh sige ayan!” binato ko siya ng papel, sapul tuloy yung mukha niya..

“aray!!”

“ kapag may nakarinig sayo, iihawin talaga kita!”

“supladitang gaga!”

“ewan ko sayo, wala kang kwenta! Ng dahil sayo kung bakit nandito tayo ngayon nagpapakabusy sa mga kalokohan mo para next week. Oh ayan, gagastos na naman tayo. Like hell jill! 3 years na tayong parang nagpopromenade. Pwede bang iba naman?!”

“ aba! Nagreklamo ang atrabida, pumayag ka naman ah!”

“you leave me with no choice you assh*le!” nagcross arms ako. “ ang galing mo kayang mangblackmail na bakla ka!”

“muahahaha! Oh well malakas kasi ang kapit ko kila tito al—“

*blaggggsssssss*

Bumukas ang pinto at bumungad sa amin ang hingal na hingal na estudyante. May Silver Star badge sa gitna ng uniform niya, indicating na taga Silver Class siya.. The same goes with the Gold and bronze students.

“ pres- president..” halos maglupasay siya sa pintuan..” nagkakagulo po sa labas!”

Nagkatinginan kami ni jill, at agad na lumabas at pinuntahan ang mga estudyanteng nagkumpulan sa field. Aish! sino na naman ang walang hiyang nakikipag-away ng ganito na tirik na tirik ang araw?

Nadatnan naming na nagtatalo si rence at Miguel.

“ sa susunod wag na wag mo ng babastusin si hachi! Tae ka! Pweh!” sigaw ni rence habang dumudugo at sabog na ang labi niya.

“ gago rence! Bestfriend kita! Hindi ko aahasin si hachi  at lalong hindi ko siya binastos, tinulungan ko pa nga siya!” nanggagalaiti sa galit si Miguel na umambang susuntukin pa si rence nung pumagitna na ako sakanila.

“ TAMA NA!” ma-otoridad na sabi ko sakanila..” Ang tatanda niyo na para pa kayong mga bata kung mag-away!”

“e gago yan e!” ayaw pa magpa-awat ni Miguel nung umawat na rin si jill sakanila.

“ e mas gago ka pala e!”

“the two of you, gusto ko kayong makausap kung ayaw niyong umabot pa ito sa director’s office..” saka siya nagdabog dabog  at bumalik sa Student President Office.

Tinignan ko lang sila ng matalim, for pete’s sake! HACHI NA NAMAN?! Ugh! Nakakarindi na!

~~**

Student Presidents’ Office

“ anong dahilan ng pag-aaway niyo kanina ha? Mr. Del Olmo and Mr. Guevarra?” iniinteroga ni jill ang dalawa habang ako tahimik lang na nakaupo sa tabi ni jill.

“ siya kasi..” sasapakin pa sana ni Miguel si rence e kaso sumigaw na ako.

“sige, magpatayan kayo ng madali kayong makick-out dito sa school. Nakakahiya kayo!” mahinahong sabi ko.

“ anong ako? Ikaw tong pasimpleng humahawak sa bewang ni hachi kapag wala ako, at bakit mo hinalikan si hachi sa pisngi ng hindi nagpapaalam ha?” kinuyom ni rence ang kamay niya “at sa harap pa ng maraming tao?”

“ ulol ka pala e! hindi ko siya hinalikan! Pucha! Bumulong lang ako sadyang iba lang ang pagkakakita mo! At alam mo naman na lahat ng mga malalapit sa aking babae, hinahawakan ko rin sa bewang!” rason naman nitong si Miguel.

Behind Those TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon