BTT-33

3.9K 57 6
                                    

Rayleigh’s POV

Kasalukuyan kong sinusundan si dabi, alam ko wala siya sa sa sarili ngayon mukhang malalim ang iniisip niya. Nalaman ko na rin ang nangyari sakanya dahil sinabi na rin ito ni hachi, akala ko pa nga si elsa na naman ang nagpasimuno ng mga pangyayaring ito. Pero hindi pala..

I was about to approach her nung napatigil ako. Pumunta siya sa may pinakadulo ng library lumiko ako sa second to the last shelf bago yung huling shelf. Hindi pa nakakailang minuto ay umiyak na ito. Unang beses kong narinig na humihikbi si dabi.

“ I heard about the news, don’t cry alex.” kumunot ang noo ko nung marinig ko ang boses ni denver? Nag-uusap sila? No fvckin way.

“ den, masakit e. Hindi na sa amin itong school, at lalong hindi totoong illegitimate child ako. Paano ko ipapaliwanag ito sa lahat? Ipinaliwanag na lahat ni mommy, pero hindi ko pa rin matanggap, na nagkaroon ng relasyon ang daddy at tita ko at parang sinira yun ni mommy kahit na sabi nilang mas naunang nagmahalan si mommy at daddy. I don’t know..naniniwala ka naman sa mga sinasabi ko diba? Sirang sira na kami dito..” patuloy akong nakinig sa pinag-usapan nila. Pero magulo pa rin, hindi ko maintindihan kung bakit nag-uusap sila ni denver?E akala ko hindi sila close? Paano? May hindi ba ako alam?

Bahagya kong sinilip ang ginagawa nila. Nakita kong nakayakap si dabi kay denver, at ang higpit ng yakap ni denver sakanya habang hinahaplos ng marahan ang buhok niya.

“ Den, you believe me right? Because you love me right?” What the fvck? May tinatago ba itong dalawang ito sa amin? Are they in a secret relationship?!

“ yes, ofcourse I do alex. Shit! Wag ka na ngang umiyak!” naiyukom ko ang kamao ko. That’s it. They’re in a relationship? So they’re secretly dating too? Bakit nga ba hindi ko napansin.

Umalis ako ng hindi ko nakakausap si dabi, para ano pa?! Hindi niya rin ako kailangan! Paglabas ko ng library ay nakita ko kaagad si dennis, mas lalo tuloy akong nainis dahil magkakambal sila ni denver. Ibang klase din pala talaga itong si denver, si dabi pa ang pinatos! Tae talaga!

“ Hoy rence! Tangina mo talaga! Bakit hindi ka manlang nagpasabi na kayo na pala ni hachi!”

“ anong sabi mo?” nalilitong tanong ko. “ sinong kami na?”

Behind Those TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon