BTT- 15

4.7K 71 4
                                    

Dabi’s POV

“ hindi ko alam na pumunta ka dito sa camiguin, para lang ma-grounded dabi.” Bungad sa akin ni kuya nung lumabas na ako sa banyo pagkatapos kong magtoothbrush.

“pumunta ka ba dito para mang-inis? Umuwi ka na nga lang kuya! asar ka!” sino ba naman kasi ang hindi maiinis? 8:30 am na! 1 hour na lang 9:30am na. at hindi ko alam ang sasabihin ko kay rence na hindi ako makakasama dahil grounded ako dahil kagabi? Aaah! >_< ayokong malaman niya yun. Gusto kong sumama dun! Papatay talaga ako kapag hindi ako makakapunta dun!

“ dalian mo na, may lakad pa tayo.”

“anong lakad? Grounded nga diba?! Kasalanan to ni dustin e. imbes na pagtakpan ako ng mokong, nilaglag pa ako.lagot sa akin yun!”

“sinisi mo pa si dustin?e ikaw nga daw itong nawala kagabi ng hindi nagpapaalam. Saan ka ba nagpunta?” kila rence kuya! lumandi ako kagabi. Pakialam mo ba? Pero syempre alangan naman na sabihin ko. bantay sarado rin ako dito! “ malamang mag-aalala sila lola.”

“its none of your business.”

“aish, naghihintay na ang mga kaibigan natin sa baba..”

“ha? sino? Tsaka bakit mukhang marami kayo?”

“sumama sa amin si belle at lizie, kasama ko si dennis at denver, mukha yatang wala kang balak maghanap ng susuotin mo para sa ball ah?himala!” asar  talaga itong si kuya, oo nga pala! Wala pa akong maisusuot, at wala pang nag-aaya sa akin. Muntik ko ng makalimutan.

“ fine! Susunod ako! Lumayas ka lang dito sa kwarto!” tinaboy ko si kuya na kaagad naman lumabas. Anong gagawin ko?! masyado yatang busy ang schedule ko ngayon, nakalimutan kong ngayon pala kami maghahanap ng susuotin dito sa camiguin.

Isip dabi, isip!

Aha! Napangiti ako, alam ko na ang gagawin ko! lumabas ako sa kwarto ko na suot suot ang ngiti kong minsan lang makita. Hindi pa rin ako nakakarecover kagabi! Sama mo narin nung nahuli niya akong kinikilig. Nakakahiya! >_< hindi kami nagpansinan nung sabay sabay kaming pumasok sa HI-ACE van, kahit sila lizie hindi ako kinikibo. Alam ko naman kung bakit..

8:45am na! 45 minutes to go!

“ too silent..” basag ni dennis sa katahimikan.

“yeah, too silent..” dagdag naman ni lizie, habang tinatanggal ang earphone na suot niya. Tinignan lang din ako ni belle na parang may hinanakit.

Behind Those TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon