BTT-34

3.7K 67 11
                                    

Dabi's POV

Biglang nagring ang cellphone ko, nakita naman ni rence kung sino ang tumatawag. Si Dustin, buti nalang nasa timing siya ngayon kaya kumalas ako sa pagkakayakap kay rence.

“ hello..” sinadya kong iloudspeaker ang cellphone para marinig ni rence. “susunduin mo na ba ako? Sa dating lugar.”

“ ha?” sabi ni dustin. “ anong dating lugar?” ai ang slow talaga! Ipupush ko ang pagiging slow ni dustin ngayon. Sabagay, di niya naman alam to eh.

“ Grennvelt Block 13. Dali, within 5 minutes nandito ka na dapat.” at binabaan ko siya ng cellphone. Pumasok ako sa may kotse ng hindi tinitignan si rence, at nung isasara ko na ang pinto ng sasakyan ay nilagay niya ang kamay niya dito kaya naman naipit.

“aray! Damn it!” reklamo niya.

“ You know what? You're acting weird.” oo. Nagiging weird si rence nitong mga lumipas na araw. Hindi ko alam kung nagpapakasweet ba siya or what? Kasi pakiramdam ko pinaglalaruan niya ako. Hindi kaya alam niya ng may gusto ako sakanya? At nagtetake advantage siya? Ganun na ba ako kaobvious?!

“ Hindi pa tayo tapos mag-usap, tapos aalis ka na?”

“hindi mo ba narinig yung sinabi ko? Magpapasundo ako kay dustin.” napatingin ako sa suot niya. (-///-) ang gwapo pa rin, pwede ng maging gamot sa sakit na nararamdaman ko. Bwisit na ito! Taken ka na, layuan mo ako rence.

“ get out..” halos mapatalon ako sa sinabi niya. Nakakagulat ha!

“ timang ka ba?! Bakit ako aalis dito?”

“ may pupuntahan tayo.”

“ busy ako, hindi ko pwedeng iwan ang sasakyan dito. At tsaka isa pa, susunduin nga ako ni dustin..” isa pa gusto kong puntahan si aby ngayon. Namimiss ko na siya ng sobra.

Behind Those TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon