BBT-14

4.8K 85 9
                                    

Dabi's POV



Tulala ako habang naglalakad kami pabalik sa party ni kenra. Eeh! Hindi madigest ng utak ko yung sinabi ni rence kanina. Pakiramdam ko lahat ng dugo sa katawan ko naipon na sa pisngi ko at sa sobrang pula ko na kanina e parang sasabog na ako.



" dabi.." inabot ni denise sa akin ang isang tequilla. " drinks? Gusto mo?"



" no liquor please?" singit ni rence. " dun lang muna ako kila ice. Ikaw na muna ang bahala sakanya denden.." at saka iniwan niya ako. Medyo awkward tuloy.



" close kayo ni rence? Pagpasensyahan mo na yung mga pinsan ko ha? half manyak half abnormal kasi sila.." tapos natawa si denise, sumingit naman sa usapan namin si ate Cassandra.



" pure pervert kamo." Ngumiti lang ako. Oh, nasan na ang pagiging maldita mo dabi? Ilabas mo na! pero hindi pwede! Ayokong hindi nila ako magustuhan. " sigurado ka ba talagang hindi ka girlfriend ng kapatid ko?"sabi ni ate cass.



Nasamid ako bigla sa iniinom ko! kung pwede lang! bakit hindi diba? Magpapaparty pa ako.



" hindi po. We're friends. Nothing more, nothing less."



" its very unusual kasi.." sabi naman ni denise. " ikaw pa lang kasi ang napapakilala niya sa amin, akala ko nga bakla yang si rence e."



" haha! Ano ka ba denden. Sa gwapo niyang yan?" hindi ko alam na ang pamilyang ito ay puro half pinoy at half british. Ang gaganda talaga! Ang gagwapo pa.

"apple juice?" biglang sumingit si david. Nagulat naman ako kasi inakbayan niya ako. I just gave him my death glare.

"easy dave, baka matunaw ka sa tingin ng kapatid ko." ngumisi si ate habang tinitignan si rence na pasikreto akong sinsulyapan, napapraning yata ako! Si rence? Susulyapan ako? Himala!



" pakyu ice!" sumigaw si fire nung bigla siyang sinuntok ni ice sa tagiliran niya ng joke-joke lang, nagkatinginan tuloy kami ni rence. Ngumuso lang siya.



"pakyu too! Haha! Sabi ng tantanan mo si Sydney! Akin yun! Ulol!" banta ni ice sakanya. Haha! They're fighting over a girl named Sydney.



" para talagang bata yang kambal na yan!tsk. tsk! Hindi na nahiya sa bisita natin." Sumimangot si denise. " ikaw dabi? Bakit ang tahimik mo?"



" ha? hindi naman." Tanggi ko.. hanggang ngayon, hindi pa rin naalis ang pagkakaakbay ni david sa akin. Kaya naman hinawakan ko yung kamay niya at inalis ito.



" sorry! Nakalimutan ko." sambit niya.



"its ok, just..get your hands off me." Masungit na sabi ko. Nagkatinginan na naman kami ni rence mula sa malayo, and this time ngumisi na siya. Oi namumuro na siya!



" rude. Masyado ka naman yatang maarte?" singit ni denia sa amin. Siya yung kanina pang titig na titig sa akin na para bang may galit. " maswerte ka pa nga, inakbayan ka ng kuya ko. tss!" tapos umalis na. tinapik naman ako ni denise sa balikat at humingi siya ng patawad.



" sus! Ako lang kasi ang gustong umakbay ni dabi sakanya.." nabigla naman ako nung may isang kamay na naman ang nakaakabay sa akin. Si Kian..



Inalis ko naman kaagad yung kamay niya. " you too. Get your hands off me." Binigyan ko siya ng malutong na death glare. Pero ayaw magpatinag. Binalik niya pa rin ang kamay niya.



" ano ka ba kian, ayaw nga ni dabi.." saway ni denise. Tumango lang si ate cass.



" harmless naman ako.." Bulong naman ni kian. " chill baby, I'm not here to flirt with you, I'm here to piss him off.." sabay tingin niya sa taong nasa likod ko.



Behind Those TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon