20

1.6K 51 2
                                    

"Tita!" muli niyang saway, sabay na nagkatawanan sina Jace at ang tita niya siya man ay napailing-iling na lang.

"Pero ang sarap n'yo pong magluto tita, ganito po kasarap magluto ang grandma at ni mommy no'ng nabubuhay pa siya," ani Jace.

Tumango ang tita niya at magaang tinapik ang kamay ni Jace na nasa mesa. "Thanks, hijo."

"Saka masarap din itong fish fillet mo." Anang tita niya na mabilis din niyang ikina-agree kaya tuwang-tuwa si Jace.

Nang matapos silang kumain ay naghanda siya ng minatamis na saging para sa kanilang dessert at pagkatapos nilang kumain ay dalawa din silang naghugas ng mga pinagkainan at kapagdaka'y niyaya niya ito para magtungo sa sala.

Kuwentuhan sila tungkol sa naganap na soccer game. At dahil maaga pa ay nagsalang sila ng isang comedy movie at hindi na sumama ang tita niya sa panunood dahil may gagawin pa daw ito pero alam naman niyang gusto lang siyang iwan kasama si Jace.

Magkatabi sila sa sofa ni Jace habang nanunuod ng movie. Nabigla siya nang hawakan nito ang kamay niya at nilaro-laro 'yon kaya bumaling siya sa lalaki, kumabog ang puso niya nang mahuli niya itong nakatitig pala sa kanya.

"B-Bakit?" kinakabahang tanong niya.

"Masaya lang ako dahil nandito ako ngayon sa inyo tapos kasama pa kita ngayon na nanunood ng movie." Nakangiting sabi nito.

"Asus! Siyempre hindi naman ito ang unang beses na may kasama kang babae para manood ng movie."

"Hindi nga," seryosong sabi nito. "I had five girlfriends pero pangako, ito ang unang beses na nanunuod ako ng movie kasama ng babaeng gusto ko talaga." Anito, na siyang muling nakapagpakabog sa puso niya.

Na-concious siya kaya mabilis siyang nag-iwas ng tingin. Ibig bang sabihin sa mga sinabi nito ay hindi nito gusto ang mga naging girlfriends nito? O baka ang mga babae ang lumapit dito at naging kasintahan na agad. Kasali din kaya si 'Mi' sa limang naging girlfriends nito? Gusto niyang itanong kaso ayaw niyang pag-usapan ang tungkol sa babaeng 'yon dahil baka masira ang gabi nila.

"Huwag mo nga akong pinaglololoko, baka maniwala ako." nangingiting sabi niya.

Napangiti din ito saka mabilis na hinalikan ang ibabaw ng kamay niya. "Maniwala ka dahil totoo ang sinasabi ko," sabi nito. "Ang mga naging girlfriends ko ay sila ang unang nagkagusto sa akin, pero kahit papaano ay may minahal naman ako sa kanila ng seryoso," anito. Naisip niya agad na baka si 'Mi' 'yon. "Pero siyempre pa nakaraan na 'yon at wala na 'yon." Anito.

"Bakit kayo nagkahiwalay?" hindi tuloy niya napigilang itanong.

"Misunderstanding." Sagot nito.

"Bakit hindi n'yo inayos?"

"Hindi ko rin alam e," sagot nito. "Pero siguro nga ay hindi kami para sa isa't isa."

"Paano kung puwede pa palang maayos?"

"Imposible na 'yon." Nakangiting sabi nito. Saka nito niyakap ang kamay niya at humilig sa balikat niya. "God! This is heaven."

"Bolero ka talaga." Naiiling at natatawang sabi niya.

"Seryoso ako lagi pagdating sa 'yo."

"Manood na nga lang tayo." Nangingiting sabi niya.

Kapagdaka'y itinaas nito ang dalawang mga kamay nila at pinagsiklop nito ang mga 'yon. "They are perfectly fit to each other, sana tayo rin." Nakangiting sabi nito.

In Love with Mr. Arrogant! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon