8

1.7K 59 2
                                    


"Okay." Sabay-sabay na sabi nina Lucian, Hansel at Gretel.

Nang matapos sila sa Anatomy subject nila ay nag-lunch break sila. Natatawa nga ang mga kasamahan niya dahil after ng encounter nila sa Science lab ng mga cadaver ay kasunod ang lunch break, mabuti na lang at hindi siya gano'ng kapihikan. Sumama siya sa mga ka-grupo niya para mag-lunch since nakaladkad na rin siya ni Gretel doon.

Nang matapos silang mag-lunch habang nagkakakuwentuhan ay nagpaalam ang tatlong magkakaibigan dahil sasaglit lang daw ang mga ito sa Mall para bumili ng limited edition ng collector items ng paboritong manga ng mga ito. Gusto naman niya ng anime at manga pero hindi naman siya kasing geek ng tatlong 'yon. Naiwan silang dalawa ni Jace sa mesa sa canteen.

"Hindi ka mahilig sa manga?" kapagdaka'y tanong ni Jace.

"Okay naman hindi lang ako gano'n ka-fanatic." Ani Noelle.

"Pareho tayo," nakangiting sabi nito. "Mas mahilig pa ako sa mga cartoons and gothic movies, marami akong collection—" napatigil ito sa pagsasalita at natutop ang bunganga nito.

"Why?" nagtatakang tanong niya.

Napakamot ito ng ulo. "Baka ma-turn off ka sa akin dahil sa sinabi ko."

"Na may cartoons and gothic movie collection ka?" aniya, tumango naman ito. Hindi niya napigilang mapangiti. "Lahat naman ng tao may favorites, at nagkataon na 'yon ang gusto mo." Aniya.

Tumango-tango naman ito. "Ikaw? Ano'ng paborito mo?"

"Music."

"Music? Really? Do you play any instruments? Do you sing?"

"I play the piano." Aniya.

"Wow!" masayang sabi nito. "I suck at playing instruments—" muling natutop nito ang bunganga nito.

"What again?" natatawang sabi niya, kasi para itong bata na nagtatakip ng bunganga.

"Baka ma-turn off ka uli sa nalaman mong hindi ako marunong tumugtog ng instruments." Anito.

Hindi na niya napigilang matawa. "Nakaka-turn off nga," pag-amin niya,

"Talaga?" nakakamot sa ulo na sabi nito.

"Oo." Sagot niya. Napayuko ito ng ulo hanggang sa tuluyan na nitong ipinatong ang ulo sa mesa at tila nawalan ng lakas. "Pero huwag kang mag-aalala, marami ka pa rin namang admirers, e." nangingiting sabi niya.

"Hindi," umiiling-iling na sabi nito. "Pag-aaralan kong matutong tumugtog ng anumang instrument." Anito.

"Huwag mong pilitin kung hirap ka, hindi mo naman na kailangang magpa-impress sa mga babae dahil guwapo—" mabilis din niyang natutop ang bibig niya.

Mabilis itong nag-angat ng ulo, ngumiti at tila nabuhayan ng dugo. "Dahil guwapo ako, 'kamo?" masayang sabi nito.

"W-Wala akong sinasabing ganyan." Mabilis na depensa niya.

"Narinig ko!" anito.

"Wala!"

"Gano'n," matamlay na sabi nito. Para itong biglang tinubuan ng insecurities at gusto niyang matawa. "Pero sabi mo nga nakaka-turn off ang lalaking hindi marunong tumugtog ng instruments, kaya pag-aaralan ko."

"Okay nga lang 'yan, hindi rin naman ako masyado sa sports."

"Understood naman sa 'yo dahil hindi ka puwedeng mapagod, pero ako, tinatamad lang akong matuto." Anito.

"Eh, 'di ba magaling ka din naman sa sports? Doon ka na lang bumawi."

"Hindi! Matututo ako ng pagtugtog ng instrument." Determinadong sabi nito. Nagkibit-balikat na lang siya.

Habang abala silang nag-uusap ni Jace ay nakita niyang naglalakad si Psymon kasama si Belle, nakangiting nag-uusap ang mga ito. Nami-miss na niyang kasama si Psymon palibhasa ay hindi na sila gaanong nagkakasama dahil panay Belle na lang ito.

"Ang ganda kasi ni Belle." Aniya sa sarili, sino ba naman ang bibitaw sa babaeng 'yon para ipagpalit sa katulad niya?

"Mas maganda ka!" ani Jace, kaya mabilis siyang napalingon dito, titig na titig ito sa kanya at nakangiti. "Hindi kayo bagay ni weakling." Anitong tinutukoy si Psymon.

"May pangalan siya." Depensa niya. "Saka ano namang panama ko kay Belle, Ms. Hodge University siya, ako Ms. Nobody."

"Eh, sa mas maganda ka naman talaga lalo na sa mga mata ko." Anito.

Lumundag ang puso niya sa sinabi nito at bigla yata siyang na-concious. "Normal pa ba ang vision mo? Kumain ka ng mga gulay na rich in vitamin A." hindi niya napigilang sabi.

Natawa ito sa kanya. "Oo naman, nakikita ko nga sa salamin kung gaano ako ka-guwapo e, siyempre nakikita ko din kung gaano ka kaganda." Anito.

Napalunok siya nang mariin saka nahihiyang nag-iwas ng tingin. Feeling niya ay nag-init ang magkabilang pinsgi niya sa papuri nito. Bukod sa pamilya niya ay ito pa lang ang nagsabi sa kanyang maganda siya, ni hindi nga siya sinasabihan ni Psymon n'on.

Mabilis na siyang tumayo sa kinauupuan niya. "Balik na ako sa classroom." Aniya.

Mabilis din itong tumayo. "Sabay na tayo." Anito, pero hindi na ito nakasunod sa kanya dahil biglang may tumawag sa phone nito. Narinig niyang tinawag nito ang nasa kabilang linya na 'Mi', siguro ay shortcut 'yon for Mia at girlfriend nito 'yon—tulad no'ng sa napanood niyang teleserye.

Napailing-iling siya. Eh, ano naman bang pakialam niya kung may girlfriend ito o wala? Eh, kasi natatamaan ka sa mga sinasabi niya sa 'yo at sa effortless na pagpapa-cute niya.

In Love with Mr. Arrogant! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon