1

4.3K 86 0
                                    

NGUMITI at kumaway si Noelle nang makita niyang palapit na si Pysmon sa round table na kinaroonan niya, muntik pa nga itong madapa kaya palihim siyang natawa. Nasa Hodge University sila kung saan sila nag-aaral. Kaibigan niya ang lalaki since high school at hanggang ngayon ay magkasama pa rin sila.

Nagpatuloy silang dalawa sa pag-aaral ni Psymon; kumuha ito ng two years master's degree sa Nursing at siya naman pagkatapos niya ng Pharmacy course at makapasa ng board exam ay ipinagpatuloy niya 'yon sa pagdo-doktor at pareho silang nasa unang taon.

Muling siyang napangiti nang masilayan ang cute na mukha ni Psymon na noon ay nakangiti rin sa kanya. Hingal na hingal ito nang tuluyang makalapit sa kanya.

"May ipinabibigay si mama sa 'yo," nakangiting bungad nito sa kanya saka nito nagmamadaling inilabas mula sa bag nito ang isang baunan. "Nagluto siya ng paborito mong biko." Anito saka iniabot ang lalagyan sa kanya.

Nangislap naman ang kanyang mga mata at nasiyahan. "Naku! Pakisabi kay tita salamat." Nakangiting sabi niya. Close na rin sila sa pamilya nang bawat isa at katulad niya ay solong anak lang din ito.

"Wala 'yon," nakangiting sabi nito. "Actually, dinalhan ko din si Belle ng biko." Dagdag pa nito, na tinutukoy ang babaeng nililigawan nito.

Unti-unti tuloy nawawala ang mga ngiti niya. "Ah, okay." Tipid niyang sagot at hindi ipinahalata ang umusbong na selos sa loob-loob niya.

Mabait kasi si Psymon, gentleman at palangiti kahit madalas may pagka-clumsy pero gusto niya ito at isa ito sa mga kaibigan niyang laging nandyan para sa kanya. Sa mga naging kaibigan niya no'ng high school, si Psymon lang ang naging schoolmate niya sa Hogde University dahil 'yong mga iba ay kung hindi sa probinsya ay sa ibang University na mas mababa ang tuition fees, hindi naman sila gano'n kayaman; Nurse ang mama niya sa London at may sampung taon na doon at twice a year ito kung umuwi, ang papa naman niya ay mahigit sampung taon na ring namatay dahil sa sakit sa puso at tanging ang tita Wilma niya ang gumagabay sa kanya—ang nakababata at nag-iisang kapatid ng mama niya na matandang dalaga at walang anak, na isa ring medical technologist sa isang public hospital.

Natuklasan niya ang damdamin niya sa kaibigan niya simula nang mag-kolehiyo sila, lagi itong nandyan para sa kanya at tinutulungan siya minsan sa mga school projects niya. Pareho naman silang studious pero inaamin niyang mas matalino ito sa kanya palibhasa napunta yata lahat ang kagalingan niya sa musika. Kung bakit hindi Music course ang napili niya kundi Pharmacy, simula kasi nang maatake sa puso ang papa niya sa harapan niya at wala siyang nagawa ay ipinangako niya sa sarili na magiging kapaki-pakinabang siyang tao sa hinaharap.

Kaya lang ay sekreto ang damdamin niya para sa kaibigan dahil iba ang mga tipo nitong babae; mga sexy at magaganda kaya hindi na siya umaasang magustuhan nito. Saka bawal siyang ma-in love at ma-heartbroken kaya hanggang lihim na lang siya sa damdamin niya.

"Nine pa klase mo, 'no?" tanong nito, saka tumingin sa wrist watch nito. "Eight thirty pa lang, okay lang bang maiwan na muna kita para dalhin itong biko kay Belle?" anito.

"Go ahead." Aniya.

Ngumiti naman ito sa kanya. "I'll go ahead, see you later at lunch." Paalam na nito sa kanya. Napabuga na lang siya ng hangin. Dapat ay masanay na siya sa kaibigan niya dahil sa ilang taon nila sa kolehiyo ay marami na itong niligawan at may lima na itong naging girlfriend, nagkakahiwalayan lang dahil sa misunderstanding at kung anu-ano pa.

At si Belle nga ang bagong nililigawan nito for three weeks now; maganda, fashionista at parang modelo ang babae, pambato ng school nila sa beauty pageant at fourth year college ito ng Nursing department na mas bata sa kanila ng isang taon, nakilala na niya ito isang beses.

In Love with Mr. Arrogant! (Completed)Where stories live. Discover now