14

1.5K 55 2
                                    


"No way, I want Rain oppa! I want him!" humagulgol na sabi nito.

"Rain oppa ba ang pangalan niya?" aniya.

Tumango-tango ito. "He's now married to Kim Tae Hee unni and I can't take it, girl. Masakit siya!" anito na ikinalaglag ng panga niya.

Rain oppa? Kim Tae Hee unni? Mabilis siyang kumalas sa pagkakayakap sa babae para tingnan ito, mabilis naman nitong pinunas ang mga mata nito at saka suminglot-singlot.

"Are you talking about the Korean actors; Rain and Kim Tae Hee?" pagkukompirma niya na mabilis na tinanguan nito kaya mas lalong nahulog ang panga niya pero hindi liretal. Gusto niyang umiling-iling sa pino-problema ng babae, akala pa naman niya ay nakaka-relate siya dito pero out of this world pala ang problema nito. Gusto niyang ma-loka.

Pero aaminin din naman niyang nagulat din siya sa mabilis na kasalang naganap sa dalawa sa inaabangan niyang Korean couple, pero hindi siya ganito ka-affected. Nakakabaliw ang babaeng ito at talagang nahuli nito ang simpatiya niya.

"Ang sakit, girl!"

Mabilis siyang nagtikom ng bibig at lihim na napailing. "Teka, close ba kayo ni Rain at nasabi mong dati ay ang kulit-kulit niya sa 'yo pero hindi mo siya pinapansin pero ngayong hindi ka na niya pinapansin ay saka mo naman nalaman na mahalaga siya sa 'yo?" nagtatakang tanong niya.

"Hindi naman sa gano'n, kasi madalas ko siyang napapanaginipan dati tapos ang kulit-kulit niya sa panaginip ko, lagi din akong nanunood sa mga Korean dramas niya tapos bigla na lang hindi na siya madalas sa panaginip ko tapos hinahanap-hanap ko na siya." Napahikbi ito. "Mahal ko si Rain oppa, ano'ng gagawin ko girl?" anito.

Gusto tuloy niyang matawa sa babaeng kausap. Kumpara sa nakakapagpa-stress sa kanya, wala 'yon sa problema nito, e. Masyado lang siguro itong nadala sa damdamin nito. Well, hindi naman niya ito masisisi dahil kapag nalaman niyang nagpakasal na din ang dalawa sa favorite actors niyang sina Gong Yoo at Lee Dong Wook ay baka malungkot din talaga siya.

"Siguro ay may mas better pa kay Rain oppa para sa 'yo." Sabi na lang niya.

Kapagdaka'y tumango na lang din ito. "Sorry ha," anito, na naiintidihan niyang tumango na lang. "Hindi ka ba nawewerduhan sa akin dahil sobrang affected ko sa pagpapakasal ni Rain oppa?" anito.

"Medyo lang naman," pag-amin niya.

"Salamat sa pagdamay mo sa akin, kung siguro ibang tao ang nakatuklas nang iniiyakan ko, baka tinawanan na nila ako, pero hindi mo ako tinawanan."

"Naiintidihan naman kasi kita." Aniya.

"Bakit? Naka-relate ka ba sa akin?" anito, kaya hindi siya nakasagot. "Don't worry, hindi ko sasabihin sa iba." Anito. Saglit siyang natahimik bago niya isiniwalat ang gumagambala sa isipan niya pati na rin ang pagkalito niya sa damdamin para kina Psymon at Jace. "Malalaman mo kung sino ang tunay na nilalaman ng puso mo kapag pinikit mo ang 'yong mga mata at siya ang makikita mo sa imahinasyon mo. Siya din ang unang maiisip mo sa umaga at huling nasa isip mo bago ka matulog. Siya 'yong namumukod tanging tao na makakapagpabilis nang kakaibang tibok sa puso mo na hindi mo alam na may gano'n pa lang klase at may parang magic na bigla mo na lang mararamdaman." Mahabang paliwanag nito.

Bumilis ang tibok ng puso niya at natutop niya ang kanyang bibig. Oh my God! I can't be in love with Jace Wagner! No!

In Love with Mr. Arrogant! (Completed)Where stories live. Discover now