10

1.6K 53 0
                                    

SA WAKAS ay natapos din ang essay writing at quiz nila sa Anatomy patungkol sa cadaver na sinuri nila last time. Mabuti na lang at naging maayos naman ang lahat. Naglalakad na siya para magtungo sa canteen nang biglang may tumapik sa balikat niya, kukunutan na sana niya ito ng noo dahil si Jace ang inaasahan niyang makita ngunit si Psymon ang tumambad sa harapan niya nang nakangiti.

"Kain tayo?" nakangiting yaya nito sa kanya at hindi na siya nakasagot nang mabilis na nitong hinawakan ang magkabilang balikat niya mula sa kanyang likuran para dalhin sa canteen. Mabilis silang nagtungo sa counter para mag-order at ito ang nanlibre sa kanya ng sopas at orange juice.

"Salamat sa libre." Nakangiting sabi niya. Habang naglalakad na sila no'n patungo sa isang bakanteng mesa.

"Pambawi ko sa mga time na hindi tayo nagkakasama." Nakangiting sabi nito.

Tumango naman siya. Naiintindihan naman niya ito. "Libre mo din ako ng ice cream sa susunod." Dagdag pa niya na tinanguan naman nito.

Nang makarating sila sa bakanteng mesa ay inilapag nila ang mga dala nilang tray na naglalaman ng kanilang mga pagkain saka sila naghila nang mauupuan bago sila naupo nang magkatapat. Sinimulan na nilang kumain.

"Hindi yata kayo magkasama ni Belle ngayon," puna niya habang patuloy siya sa pagkain ng sopas niya.

Tumango ito sa kanya habang sumusubo ng chips nito. "Kasama niya ang friends niya, e." sagot nito.

Tumango naman siya. "So, ano'ng lagay n'yong dalawa?" curious na tanong niya. Oo at gusto pa rin niya si Psymon pero kung saan naman ito sasaya ay siyempre doon siya.

Nagkibit-balikat ito at ngumiti sa kanya. "Sa tuwing tinatanong ko siya kung kailan niya ako sasagutin ay lagi lang siyang ngumingiti sa akin." Anito.

"Baka gusto pa niyang madagdagan ang isang buwan mong panliligaw," aniya. "O baka hindi ka niya... gusto." Diretsang sabi niya kaya mabilis itong bumaling sa kanya.

"Ang sakit naman n'on, Noelle!" anito.

"Pero malay mo din... gusto ka niya at gusto niya ang panliligaw mo kaya hindi ka pa niya sinasagot." Kambiyo naman niya.

Sumubo uli ito ng chips at uminom ng softdrinks. "Sana nga." Anito. "Eh, ikaw, pinupormahan ka ba no'ng pa-cool na guy dito sa school?" anito.

Ang weird pero natawa siya nang maalala niya kung paano i-d-in-escribe ni Jace si Psymon sa kanya; mukhang nerd at payatot dagdag pa 'yong weakling, samantalang nainis naman siya nang mismong sinabi 'yon ni Jace sa kanya tapos ang description naman ni Psymon kay Jace ay pa-cool guy.

"Bakit ka nangingiti?" nagtatakang tanong ni Psymon sa kanya nang makita siyang nangingiti.

"Wala naman," aniya. Pero sa tingin niya hindi naman pa-cool guy si Jace dahil marami lang talagang na-co-cool-an sa lalaking 'yon. 'Uy, pinagtatanggol... tukso ng isang bahagi ng isipan niya na mabilis din niyang kinastigo. "Hindi ako pinupormahan n'on at bakit naman ako pupormahan n'on e, hindi naman ako kapansin-pansin dito sa campus." Aniya.

Tinanggal ni Psymon ang suot na salamin saka 'yon pinunasan. "Pero maganda ka naman, Noelle." Anito.

"Hindi ka lang nakasuot ng salamin sa mata." Aniya.

Ngumiti at napakamot naman ito ng ulo saka isinuot ang salamin nito. "Pero lagi ko kayong nakikitang magkasama."

"Dahil magka-grupo kami sa isang subject dagdag pa na magkaklase kami." Aniya.

Tumango-tango na lang ito. "Pero may chance na magkagusto ka sa kanya?" anito, saka seryosong tumingin sa kanya.

"Sabi ko naman sa 'yo e, hindi ako mahilig sa mga bruskong lalaki." Aniya.

Napangiti ito at tumango. "So, mas gusto mo pa rin ng mga katulad ko—I mean, mga simpleng lalaki?" anito.

"Oo naman." Aniya. Pero ang weird yata ni Psymon ngayon dahil tila tuwang-tuwa ito sa sinabi niya.

DAHIL tapos na si Noelle sa kanyang binabasang notes ay nanood muna siya ng TV, kahit papaano ay TV ang nagiging libangan niya kapag sobrang bored na siya, kung hindi siya magsalang ng dvd movies ay naghahanap na lamang siya sa magandang pelikula sa favorite cable channel.

At habang naghahanap siya nang magandang palabas sa TV ay biglang nadaanan niya ang sports channel ay may soccer game doon, ngunit mabilis niyang ibinalik sa soccer game at tumutok ang mga mata doon. Bakit sa TV parang ang boring panuorin pero kapag actual naman ay parang okay naman? O baka dahil may kinalaman sa mga players?

Jace? Si Jace na naman ang naiisip niya? Sinabi na niya sa sarili niyang hindi niya iisipin ito, ni hindi nga niya ito pinapansin sa klase kanina kahit panay ang kausap at papansin nito sa kanya.

Napatutok na lang uli ang mga mata niya sa panunood, ang weird pero parang gusto niyang malaman ang tungkol sa game na 'yon. All of a sudden ay biglang ipinokus ang isang player sa camera—nanlaki ang kanyang mga mata nang si Jace ang makita niya sa lalaking 'yon. Kinusot-kusot niya ang mga mata ngunit hindi nabubura ang imahe ng lalaking naroon kaya mabilis na lamang niyang pinatay ang TV. Mas na-stress yata siya sa panonood ng TV ngayon!

In Love with Mr. Arrogant! (Completed)Where stories live. Discover now