12

1.5K 52 2
                                    


Nanlaki ang mga mata niya nang mabilis humarang ang lalaki sa harapan niya na hingal na hingal sa paghabol sa kanya. "Ang bilis mo namang maglakad, e." anito.

"A-Ano'ng kailangan mo?" aniya.

"Sabay na tayong mag-lunch." Anito.

"Bakit?" kunot-noong tanong niya.

Nakita niya itong tumawa at pinisil ang tungki ng ilong niya. "Kung ibang babae siguro ang sinabihan ko ng ganito siguro ay nahimatay na sila sa labis na kasiyahan."

"Eh, di sa iba mo sabihin 'yong sinabi mo." Aniya, saka niya ito nilagpasan pero mabilis uli itong humarang sa daraanan niya. "Ano na naman?"

"Hindi mo ba talaga gusto ang presensya ko?" kapagdaka'y tanong nito na ikinatahimik niya. "Gano'n ba ako ka-annoying sa 'yo?" hindi na naman siya nakaimik, malungkot ang hitsura nitong nakatitig sa kanyang mga mata. "Hindi ba tayo puwedeng maging magkaibigan?" hindi pa rin siya makasapagsalita dahil sa weird na nararamdaman niya.

"P-Puwede naman—"

"Noelle!"

Hindi niya naituloy ang sasabihin kay Jace dahil mabilis siyang lumingon kay Psymon na tumawag sa kanya. Mabilis itong nakalapit sa kanya at tinanguan si Jace bago siya mabilis na inakbayan para igiya patungo sa canteen. Napalingon pa siya saglit kay Jace na bigla na lang niyang iniwanan doon at naroon pa rin ang lalaki at nakatayo habang nakatitig sa kanila ni Psymon.

"Ano'ng pinag-uusapan n'yo ni Jace?" usisa ni Psymon sa kanya. Hindi rin niya maiwasang ma-werduhan sa mga ikinikilos ni Psymon nang mga sandaling 'yon, hindi naman kasi ito nang-aakbay o masyadong pa-sweet sa kanya pero nang mga sandaling 'yon parang ibang Psymon ito.

"W-Wala naman." Sagot niya. Tumango na lang din ito sa kanya at ngumiti.

Nang makarating sila sa canteen ay agad silang nagtungo sa isang bakanteng mesa, ang sabi ni Psymon ay ito na daw ang bahalang mag-order ng lunch niya kaya tumango na lang siya. Ang isip niya ay biglang naglakbay papunta kay Jace, naalala na naman kasi niya ang malungkot na mga mata nitong hindi siya sanay makita, mas guwapo kasi ito kapag nagyayabang ito kahit madalas ay naiinis siya.

Bakit ba siya nito gustong maging kaibigan? Bakit nito inalay ang kanta sa kanya? Ano'ng meron sa kanya na nakikita ni Jace? Naaalala ba nito ang mommy nito sa kanya? Na-challenge ba ito dahil sa lahat ng mga babae sa school ay siya lang ang nakakabara at hindi namamansin sa kaguwapuhan nito? Dahil ba gusto siyang paamuin nito? Hindi niya alam!

Nang luminga siya sa paligid ay agad nakuha ng kanyang mga mata ang pigura ni Jace na nasa di-kalayuan sa table nila, kasama nito sa table sina Hansel, Gretel, Lucian at ang grupo nina Kath. Nakahinga siya nang maluwag nang makita niyang nakangiti na rin si Jace, siguro ay nasa isip lang niya na malungkot ito.

Kumabog ang puso niya nang mahuli siya ni Jace na nakatingin dito ngunit nagulat siya nang ito na mismo ang unang nag-iwas ng tingin sa kanya. Parang may kung anong kurot na hatid 'yon sa puso niya, siguro ay dahil nasanay lang siyang sa tuwing nakatingin ito sa kanya ay lagi itong ngingiti at kikindat sa kanya.

'Di ba ginusto mo naman ang ganyan? Oh, okay na! Mukhang hindi na siya mangungulit sa 'yo dahil sa hindi mo pagtanggap sa alok ng friendship niya. Anang isipan niya. Pero tatanggapin na rin naman sana niya ang alok nito kung hindi lang dumating si Psymon. So, nagsisisi ka na sa lagay na 'yan? Nami-miss mo na agad si Jace, the arrogant? Eh, 'yong 0.1% na chance niya sa 'yo, gano'n pa rin ba? Nawala na? O lumi-level up pa? sabi ng sarili niya. Siya man ay napapatanong na din sa sarili niya kung ano nang nangyayari sa kanya.

In Love with Mr. Arrogant! (Completed)Where stories live. Discover now