19

1.7K 56 1
                                    

"PAANO ka nga pala napadpad sa lugar na 'yon kahapon, kung saan mo nakitang sinasaktan ang mga bata sa bakanteng lote?" tanong ni Jace sa kanya.

Maaga siyang sinundo ni Jace nang umagang 'yon, may dala pa nga itong sandwich na ito daw mismo ang gumawa para sa kanila ng tita niya at infairness ay masarap. Ipinakilala din niya ang binata sa tita niya.

At nasa daan na sila noon papunta sa school nang bigla siyang na-hot seat dahil sa katanungang 'yon ni Jace, na hindi niya alam kung aamin ba siya nang totoo—na sinusundan ito o magbibingi-bingihan na lang. Pero sa huli ay inamin din niya kung paano siya napadpad doon saka siya bumaling sa labas ng bintana para hindi makita ni Jace ang namumulang mukha niya.

"Sinundan mo talaga ako kahapon?" ani Jace na alam niyang gulat at natatawa dahil sa himig nang pagsasalita nito.

"Oo nga," naiiling na sabi niya. Gusto na lang tuloy niyang tumalon sa bintana ng sasakyan nito dahil sa nararamdaman niyang kahihiyan. Nacu-curious siyang bumaling dito at nahuli niya itong ngiting-ngiti habang nasa daan ang atensyon nito. "Oh, bakit ang saya-saya mo?"

"Eh, kasi nga ikaw ba naman ang sundan ng crush mo, 'di ka ba matutuwa at masisiyahan?" nangitngiting sabi nito.

Napakunot-noo siya. "Crush?"

"Oo, crush kita. 'Di ba nga sinabi ko na sa 'yo kahapon na gusto kita?" anito.

Mabilis na naman siyang nag-iwas ng tingin. Bakit ba ang galing ng lalaking ito na magpa-concious kahit alam niyang hindi naman nito 'yon intensyon. At oo nga pala, buong gabi niya itong inisip at ang sinabi nitong "I just like everything about you...", na siyang nagpaulit-ulit sa isipan niya.

"Eh, ikaw, paano mo nalaman na nasa panganib ako? Paano mo nalaman na kailangan ko ng tulong?" pag-iiba niya sa sinabi nito.

"Hindi ko rin alam e, basta nang marinig kong parang may nagkakagulo sa likuran ko ay kusa na lang naglakad ang mga paa ko palapit sa kinaroroonan n'yo at sinasabi ng puso ko na tingnan kung ano ang nangyayari hanggang sa makita kita." Saka ito saglit na lumingon sa kanya at nginitian siya.

"Maraming salamat, Jace, ikaw ang superhero ko." Nakangiting sabi niya.

"Ayokong maging superhero."

"Ha?"

"Kasi hindi puwedeng ma-in love at magka-love life ang mga superheroes dahil ang misyon nila sa buhay ay pangalagaan ang sangkatauhan." Nangingiting sabi nito.

Hindi tuloy niya napigilang hampasin ng magaan ang braso nito. "Hindi ka naman superhero ng buong mundo—kundi ng mundo ko lang—" mabilis niyang natutop ang bunganga niya.

"'Uy, iba na yata 'yan, ah, nade-develop ka na rin yata sa akin..." tukso nito sa kanya.

"Hindi, 'no!" mabilis naman niyang depensa, pero daig pa niya ang nakakain ng maraming sili dahil sa init ng pakiramdam niya.

"Ouch!" anito, na hinawakan pa ng kanang kamay nito ang tapat ng puso nito. "One-sided love." Anito saka mabilis na natahimik.

"Ahm, Jace..." basag niya sa katahimikan nila.

"Hmm?" anitong saglit siyang nilingon.

"May gagawin ka ba mamaya pagkatapos ng klase?" aniya.

"Maglalaro kami ng soccer nina Hansel at Lucian versus Maritime, you wanna come?"

Nasiyahan naman siya sa pagyaya nito. "Is it really okay?"

In Love with Mr. Arrogant! (Completed)Where stories live. Discover now