9

1.7K 55 0
                                    


"OH MY GOD! Ang guwapo na, super galing pang maglaro ng soccer at super hottie pa. Wala, may nanalo na sa puso ko. Yayayain ko mamaya si Jace para ipakilala na sa mga magulang ko dahil handa na akong maging Mrs. Jace Wagner." Narinig ni Noelle na tili ng isa sa tatlong babaeng dumaan sa kanyang tabi habang naglalakad siya papunta sana sa music room ng mag-isa, since may two hours break sila sa hapon bago ang huling klase.

"Sana 'wag nang pumasok si Sir Aris para makanood tayo ng soccer game." Narinig pa niyang sabi ng isang kasama din ng babae.

"Don't worry girls, ipina-video ko na ang buong game sa isang friend ko na walang klase, mapapanood pa rin natin ang hotness ni Jace." Sabi pa ng isang babae.

"Kasama din sina Lucian at Hansel doon, e. Sayang talaga!"

"Bawi tayo sa susunod."

Bumaling naman agad si Noelle sa soccer field na pinanggagalingan ng hiyawan at tilian. Pero base nga sa narinig niya sa tatlong mga babaeng dumaan, may soccer game daw doon at naroon sina Jace, Lucian, at Hansel. Nabigla siya nang makita niya si Gretel sa harapan niya.

"Kanina pa kita hinahanap, tara nood tayo ng soccer. Nandoon sina Jace, e." anito.

"Ayoko, ikaw na lang—" hindi na siya nakatanggi nang tangayin na lang siya bigla ng babae. Ang hilig nitong mangidnap.

Nang makarating sila sa soccer field ay mas malakas pa ang hiyawan. Ang labanan pala ay Medicine students versus Arts students. Wala naman siyang alam sa soccer pero nakita niya si Hansel na nasa tabi ng net para humarang ng bola.

"Mananalo tayo! Magaling yatang goal keeper ang best bud ko." Nakangiting sabi ni Gretel patungkol kay Hansel.

"Matagal na kayong friends ni Hansel?" curious na tanong niya.

"Oo, actually, ang parents namin ang friends, kaya nga Hansel and Gretel ang pangalan namin," natatawang sabi nito. "Si Lucian naman since first year Psychology class." Anito.

Tumango-tango naman siya. "Hindi ako gano'n kahilig manood ng sports dahil wala naman akong alam na sports."

"Maganda ang sports," nakangiting sabi nito. "Pero sabagay bawal sa 'yo ang mapagod, pero try mo 'yong mga indoor sports, 'yong pagpapawisan ka lang o macha-challenge 'yong utak mo." Anito.

Natigil sa pagsasalita si Gretel nang makita nilang si Jace ang may dala ng soccer ball at tinatadyakan nito patungo sa panig ng kalaban. "Let's go Jace!" sigaw ni Gretel. Gumaya din ang iba pang fangirls ni Jace samantalang siya ay titig na titig sa bawat kilos at galaw ng binata. Halatang-halata sa lalaki ang husay nito sa sport na 'yon and she wonder kung gaano pa ito kagaling sa ibang larangan ng sports since sabi ng mga kaklase niya noon ay sportminded daw ang lalaki.

Dito pa lang ay marami na itong admirers, what more kung matuto pa itong tumugtog ng mga instrumento, hindi kaya magkakada-gulo-gulo na ang mga babae dito? Na imbes na mag-aral ay si Jace na lang ang dayuhin sa classroom nila? Napangiti siya sa naisip niya at napailing.

Nanlaki ang mga mata niya nang ipitin ni Jace sa magkabilang ankle ang soccer ball saka 'yon itinalon sa ere at mabilis na sinipa, sa gulat nilang lahat pati na ang goal keeper ng kalaban ay hindi napaghandaan ang tira ng lalaki kaya swak na pumasok ang bola sa net. Nagsigawan ang lahat ng mga fans kasama na si Gretel, samantalang siya ay natutop niya ang bunganga niya sa amazement. That was incredible!

Dati ay may napanood siyang move na gano'n sa isang palabas sa TV, kung hindi siya nagkakamali ay Shaoilin soccer ang title ng movie. Ibang klase! May pagka-shaolin moves din pala ang lalaki, kung sabagay ay magaling din naman yata ito sa martial arts.

"Ang galing mo, Jace!" sigaw ni Gretel. Kumabog ang puso niya nang bumaling si Jace sa kanila saka nag-thumbs up kay Gretel at kumindat sa kanya. Nag-init tuloy ang magkabilang pinsgi niya. "'Uy, kinindatan ka ni Mr. Heartthrob." Natatawang tukso ni Gretel kaya nag-iwas siya ng tingin sa babae.

Dinagsa na naman tuloy siya ng weird na tibok ng puso niya. Hindi na ito healthy, mukhang napapadalas ang mabilis na tibok ng puso niya, pero hindi naman siya puwedeng magpa-check up sa cardio niya dahil nangyayari lang naman ang bagay na 'yon sa tuwing kasama o nakikita niya si Jace. Kung gano'n na kay Jace ang problema ng puso niya. Kailangan na ba niyang lumayo dito?

Bumaling uli siya field at sa pawisang si Jace. Bakit ba habang patagal na patagal niya itong tinititigan ay mas lalong naaakit ang mga mata niya dito?

"Ahm, Gretel, may pupuntahan pa kasi ako, sige, ha." Mabilis na niyang paalam, narinig pa niyang tinawag ng dalaga ang pangalan niya pero nagtuloy-tuloy na lamang siya sa paglalakad papunta sa music room.

Gladly, pagdating niya doon ay katatapos lang din ng tatlong mga estudyante doon kaya solo na niya ang buong music room. Mabilis niyang ibinaba ang shoulder bag niya sa isang upuan at mabilis siyang nagtungo sa stage kung nasaan ang grand piano saka siya naupo sa tapat ng keys.

At sinimulang itipa ang awiting mula sa winter sonata, isa sa mga paborito niyang tinutugtog na dati rin ay pagpa-relax ng parents niya. Napapikit siya para damhin ang awitin na tumatagos sa puso niya. Na-miss tuloy niya ang mama at papa niya at ang masaya nilang pagsasama.

Ipinapangako niyang pagbubutihin niya ang mga ginagawa niya para sa pamilya niya, nasa mid forties na ang mom niya at gusto niya bago ito tumuntong sa fifties ay mayroon na siyang magandang hanap-buhay. Gusto niyang bumawi sa hirap at sakripisyo ng mga ito sa kanya.

Habang nakapikit siyang tumitipa sa keys ng piano ay bigla na lang nag-appear ang imahe ni Jace sa isipan niya kaya mabilis siyang nagbukas ng mga mata at napatigil sa pagtugtog. Ngayon lang yata siya na-distract dahil sa imaheng biglang lumitaw sa isipan niya.

"Ano ka ba Eralc Noelle Francisco, mag-focus ka nga! Kung ano-ano'ng iniisip mo!" naiiling na sabi niya sa sarili.

In Love with Mr. Arrogant! (Completed)Where stories live. Discover now