13

1.5K 54 0
                                    


NAPABUSANGOT si Eralc Noelle dahil nang kausapin niya si Jace ay tanging tango lang ang isinagot nito sa kanya. Hindi naman 'yon makatarungan dahil no'ng siya ang ayaw pumansin dito ay kinakausap pa rin naman niya ito kahit matipid lang na sagot, pero ang kumag na lalaki ay talagang hindi siya pinapansin.

Napabuga siya ng hangin. Hindi siya sanay na tahimik ito kapag katabi niya o di kaya kapag may group activities sila ay hindi ito umiimik sa kanya. Ano bang nangyayari kay Jace? Nasaktan ba niya ito nang sobra?

Nasa classroom sila pero hindi niya maramdaman ang presensya nito kahit katabi lang niya ito, nawawala ang pagiging hyper nito at sa pagiging tahimik nito ay bigla niyang na-miss ang ka-arogantehan nito.

Nang matapos ang klase ay nagtayuan na ang lahat para lumabas sa classroom pero mabilis niyang tinawag ang pangalan ni Jace para pigilan ito sa paglalakad. May sasabihin kasi siya dito—pero nang bumaling ito sa kanya ay tila nakalimutan na niya ang gusto niyang sabihin dahil sa mga titig nito.

"What?" tanong nito sa kanya.

Napalunok siya nang mariin at hinalungkat sa isipan niya ang gusto niyang sabihin dito. "Ahm, kasi—" naputol ang sasabihin niya nang tumunog ang phone nito.

"Mi!" masayang bati nito sa kausap saka ito mabilis na nagpaalam sa kanya at tuluyang lumabas ng classroom na masayang kausap ang 'Mi' nito.

Napakusot siya ng ulo niya dahil sa frustration. Gosh, frustration? Ngayon lang yata niya naramdaman ang bagay na 'yon sa isang lalaki, ni hindi niya nasabi ang bagay na 'yon kay Psymon.

Kalmado siyang tao e, dahil nga bawal siyang ma-stress pero ramdam naman niyang hindi 'yon nakakamatay pero nanganganib siyang baka tuluyan na nga siyang mahulog sa pinaka-least expected na guy na magugustuhan niya. Napabuga na lamang siya ng hangin bago tuluyang lumabas ng classroom.

Imbes na sa canteen siya magtungo ay sa music room siya dumiretso. Alam niyang makakatulong ang pagtugtog niya ng piano sa nararamdaman niya ngayon. I-t-in-ext niya si Psymon na kumain na lang ito dahil hindi siya makakasama dito ngayon.

Nang makapasok siya sa loob ng music room ay nagtuloy-tuloy siya sa stage, doon lang niya napansin ang isang babaeng nakaupo sa unahang upuan at tila malungkot ang hitsura. Mabilis itong bumaling sa kanya nang maramdaman nito ang presensya niya.

"Sorry, naistorbo ba kita?" aniya. Umiling ito sa kanya. Napansin niyang maganda ito at maamo ang mukha, siguro ay mas bata ito sa kanya ng isa o dalawang taon. "Ah, babalik na lang ako sa ibang araw." Aniya. Akmang tatalikod na siya ay nagsalita ang babae.

"Are you gonna play the piano?" malungkot na sabi nito. Tumango naman siya. "Puwedeng mag-request ng song?" anito.

"Ano'ng song?" aniya.

"Kung alam mo lang ni Roxanne Barcelo, alam mo ba 'yong kantang 'yon?" tanong nito.

"Hindi, e," aniya, kaya kinailangan pa nitong kantahin 'yon bago niya nakuha ang melody ng song bago siya mabilis na pumuwesto sa harapan ng piano para tumugtog.

Nang bumaling siya sa babae ay nakita niya itong nagpupunas na ng luha. Naisip tuloy niya, brokenhearted ba ang babaeng ito? Bakit ang lungkot-lungkot nito? Sabi na nga ba niya e, wala talagang magandang naidudulot ang love na 'yon kundi sakit lang sa puso.

Nang matapos siya sa tinugtog niya ay mabilis siyang bumaba para abutan ito ng kanyang panyo. Mabilis naman nitong tinanggap 'yon saka mabilis suminga saka nito muling inabot pabalik sa kanya ngunit ibinigay na lamang niya ang panyo sa babae.

"I'm Athena." Pakilala nito.

"Eralc Noelle." Aniya. Ngumiti ito sa kanya at muling nalungkot ang hitsura. "Brokenhearted ka ba?" out of curiousity na tanong niya.

"Oo." Malungkot na pag-amini nito. "Mahal ko kasi ang lalaking hindi na kailanman mapapasa-akin." Anito.

"T-Talaga?"

Tumango ito. "At nandito ako para mag-senti since ayokong makasalamuha ng kahit na sino ngayon."

"Pero nandito ako."

"Okay lang, salamat nga pala sa song kanina." Anito na tinanguan naman niya. "Dati ang kulit-kulit niya sa akin pero hindi ko pinapansin, pero ngayong hindi na niya ako pinapansin saka ko naman nalaman na mahalaga pala siya sa akin."

Ouch! Parang natamaan siya ng palaso dahil bigla siyang naka-relate sa babae. Tumagos ang mga sinabi nito sa kanya. Hindi siya agad nakaimik bago tumango sa babae.

"Ano'ng ginawa mo?" aniya.

Napabuga ito ng hangin. "Hindi ko na alam ang gagawin ko," anito, bigla na lang siyang niyakap. "Na-mi-miss ko na talaga siya." Anito.

Nag-flashback din tuloy ang lahat ng mga kakulitan at kaarogantehan ni Jace and all of a sudden ay parang na-miss niya ang binata. Ang weird pero dati ang mga gano'ng eksena ay sa movie at TV series lang niya napapanood pero totoo pa lang nararamdaman at nangyayari 'yon.

Pero masyado pang maaga para masabi niya sa sarili na nahulog na siya sa lalaki, hindi naman kasi sila gano'n ka-close at hindi rin naman niya ito gaanong kakilala. Meron ngang nagka-in love-an ng four minutes, eh, ilang weeks na din naman kayong magkakilala ni Jace. Anang isipan niya.

"Athena..."

"Hindi ko na siya maaaring mahalin ngayon dahil..."

"May mahal na siyang iba?"

"Dahil kasal na siya," anito, kaya mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa babae na para bang close na sila agad. Naisip niya, paano nga kaya kung siya ang nasa sitwasyon nito, ano'ng gagawin niya? Paano kung mas nahulog na siya kay Jace tapos saka naman darating ang 'Mi' sa buhay nito?

"Makakahanap ka rin ng iba, Athena..."

In Love with Mr. Arrogant! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon