BTT-54

2.9K 56 10
                                    

Dabi’s POV

“for pete’s sake rence, answer the phone!” naiinis na bulong ko sa sarili habang hinihintay na sagutin ni rence ang telepono. Pang sampung tawag ko na ito pero hindi niya pa rin sinasagot. Hindi ko tuloy maiwasang mag-alala.

Kanina pa ako pabalik-balik ditong naglalakad habang natataranta kung anong gagawin ko. Si Dustin kasi bigla ba namang magyayang magpakasal?! Hindi ko tuloy alam ang isasagot ko kasi pakiramdam ko nagtataksil ako kay rence.

“  answer the phone Del Olmo.” inip na inip na ako dito at nung pinagpasyahan ko ng ibaba ang tawag ay sinagot niya na rin.

(Pia..)

“ Bakit ngayon mo lang sinagot ang phone mo? Ilang missed calls na ba ang nakarehistro sa cellphone mo ha rence?”

( Sorry. Hindi ko na kasi napansin yung cellphone ko.)

“ Yun lang? tapos mag-aalala ako ng ganito para lang sa wala?” iritadong iritado na ako ngayon. “ kasama ko si aby ngayon.” I added pagkatapos ay tumingin ako sa magkatabing natutulog dito sa condo ko. Si Kenra at si Aby. “ and I’m with kenra too.”

( that’s good.) maiksing sagot niya.

“ Rence.. I- I “

 ( Pia I love you too, and I love you okay? I’ll call you  later please do understand me..)

Hindi pa man ako nakakapagsalita ay binabaan na ako ni rence. I pouted. How stupid. Hindi ko manlang nasabi na namimiss ko na siya.

“ Witch baby..” sabay halik ko kay aby. “ namimiss ko na ang daddy mo.” at saka tumabi at umidlip na muna ako sa tabi ng dalawa kailangan ko ring magpahinga.

Rayleigh’s POV

“ pasensiya na po. may tumawag lang.” sabi ko sa papa ni hachi na nag-aalalang nagbabantay sakanya. “ Ako na po dito.”

“ sigurado ka ba dyan rence? kailangan ko pa kasing umuwi..” sabi ng papa niya kaya tumango lang ako. Nandito pa naman kami ni kevin para magbantay kay hachi.

Hinawakan ko ang kamay ni hachi na mahimbing na natutulog. “ Bakit hindi niya manlang sinabi sa akin Kevin?”

Behind Those TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon