12152017

22 1 0
                                    

Dalhin mo ako sa kung saan maaari tayong bumalik sa pagiging bata,
Yong tipong wala tayong ibang inaalala
Kundi ang kung paano hindi mahuli ng taya,
O yong tanging laman ng isip
Ay ang magtampisaw sa tubig
Pagkat sobrang lagkit ng pawis na dala ng pagbibilad natin sa araw.

Bumalik tayo, mahal...
Mali!
Balikan natin ang mga panahong iyon.
Baka sakaling mapagtanto natin
Ang halaga ng oras, panahon, pagkakataon...
Mga damdaming hinahayaan nating lumampas;
Mga luhang pumapatak na di naman dapat;
Mga pusong nasasaktan dahil hindi nabigyan ng halaga...

Bumalik tayo, mahal ko...
Hayaang ang isip ay maging katulad sa ating pagkabata...
Baka sakaling maisalba pa natin ang isa't-isa.

Language of the HeartWhere stories live. Discover now