TH ~ 18

16 0 0
                                    

Walang nagawa ang kambal kung hindi sundin ang mama nila. Sabay nilang kinuha ang gamit nila na nakalagay sa sofa sa tabi ng bintana at tumuloy sa pinto at saka lumabas.

Inistart at pinaandar ni Nathan ang sasakyan pero ni isang imik ay walang naririnig sa dalawa. Hanggang sa magsalita si Feye.

"Naniwala ka bang may mga monster na nabubuhay sa panahon na ito?" Biglang tanong ni Feye.

Hindi alam ni Nathan ang isasagot sa mukang tangang tanong ng kaniyang kakambal.

"Yung totoo? nagaadik ka ba sa Zexna at ganyang ang mga itinatanong mo sa akin?" Natatawang sagot ni Nathan. Hindi niya alam kung saang baul nahugot ng kapatid niya ang itinanong nito.

"Hoy ang kapal mo! hindi ako nagaadik ano! at isa pa, ano ako tanga para sayangin ang buhay ko sa mga ganiyang bagay?" Sabi ni Feye. Sa totoo lang kung pwede lang niyang balian ng leeg ang kakambal ay ginawa na niya. Tama ba namang akusahan siyang nagaadik habang siya ay nasa Zexna?

"Pano ba naman kita hindi paghihinalaan eh yung mga tanong mo parang ang kalalabas lang sa mental." Sabi pa ni Nathan. Natutuwa siya ngayon sa naging reaksyon ng kapatid.

Nakakunot ang nuo at nakataas ang kilay na nakatingin si Feye sa kaniya. Nung hindi pa kasi pumupunta si Feye sa Zexna ay ito ang madalas nilang gawin, ang magkulitan at magasaran.

"Nahiya naman ako sayo." Sabi naman ni Feye na hindi parin nagbabago ang ekspresyon ng muka. "Hay! kung isa ka lang talaga sa mga kalaban ko at kung hindi lang talaga kita kakambal ay siguradong manghihiram ka ng muka sa aso." Sabi pa niya sa isip niya pero pagkakataong ito ay kailangan niyang magtimpi, kailangan niya habaan ang kaniyang pasensya dahil baka sa ganitong paraan ay makakuha siya ng impormasyong makakatulong maresolba ang malaking problema na kinakaharap ng dalawang bansa ngayon.

"Sagutin mo nalang kasi yung tanong ko." Dugtong pa ulit niya.

"Okay pero basta wag kang tatawa ha?"

"Oo. Opinyon mo lang naman ang kailangan ko eh."

"Pero para saan ba talaga at bakit bigla-bigla kanalang nagtanong ng tungkol sa mga monsters  at kung naniniwala ba ako sa kanila?" Tanong pa ulit ni Nathan. Nagbabakasakali siyang sagutin na siya ni Feye. Nagtataka lang kasi siya kung bakit bilang nagtanong si Feye tungkol sa mga ganitong nilalang samantalang hindi naman siya mahilig sa mga ganitong klaseng usapan.

Nung mga bata pa kasi sila, ang tanging nakahiligan lang  ni Fexme ay ang panunonood ng mg action movierg at pagaaral ng ibat-ibang klaseng pamamaraan ng selfence.

"Wala lang basta nga sagutin mo nalang yung tanong ko." Sabi ni Feye.

"Well kung ako ang tatanungin ... Yes i do believe in monster." Medyo nahihiya pang sabi ni Nathan.

"Talaga?"

"Oo, diba sabi ko sayo nung mga bata pa tayo, gusto kong makarating sa ibang mundo?" Sabi ni Nathan. Oo totong gusto niyang pumunta sa kakaibang mundo, simula pagkabata niya ninais na niyang magkaroon ng kapangyarihan at ipagtanggok ang mga naapi. Syempre gagawin o sabihin na nating gusto niya itong gawin dun sa ibang mundong sinasabi niya.

"haha. Tingnan mo? inaasar mo ako kanina na nagaadik ako kasi bigla-bigla akong nagtanong saynd tungkol sa mga monster tapos ngayun naniniwala ka rin pala sa mga ganun." Sabi ni Feye.

"O tingnan mo to ... Tatanong tanong ka e, tapos magrereact ka ng ganyan?" Sabi ni Nathan.

"Hindi naman sa inaano ko yung paniniwala mo pero hindi ko inaasahan na hanggang ngayon ay gusto mo paring makarating sa ibang mundo mo." Sabi ni Feye.

TEENAGE HERO |ON GOING|Where stories live. Discover now