TH ~ 17

14 1 0
                                    

Ayos ang buhok, hindi gusot ang uniform at bitbit ang bag na lumabas ng kwarto niya si Nathan.

"Siguro, ewan, basta... Mahirap magsalita kasi hindi ako si Aira. Matindi pa yung bakod nung bestfriend tapos may dumagdag pang isa."

Tumatak sa isip niya ang mga sinabi ng kapatid na si Feye. Alam niyang hindi lang siya ang may gusto kay Aira, andyan si Michael na bantay salakay. Bestfriend kuno yung pala may HD sa kaibigan tapos epal na Axel na simula nung dumating sa buhay nila ay sobrang FC na kay Aira.

Sa ngayon kahit napakarami ng posibleng pweding mangyari ay isa lang ang matibay niyang pinanghahawakan, tutor niya si Aira at may malaki siyang advatage dahil mas madalas niya itong makakasama.

Dahil sa mga naisip niya kaya nakangiti siyang bumaba ng hagdan.

"Nyay! ano ba iyan! ang aga-aga eh ang creepy ng smile mo." Kumento ni Feye matapos makita ang ngiting tagumpay ng kakambal.

"Nak, kadiri ang ngito mo, para kang manyakis." Puna pa ng mama nila.

Kung titingnan ang mama nila, kahit sa edad na 35 ay masasabi mnd paring may asip pa ito. Sa taglay na magandang muka at halos perpektong hubog ng katawan na kahit na sinong lalaking nasa middle age ay mapapalingon.

"Ma! pati ba naman ikaw? pero never mind, kahit ano pang sabihin niyo ay good mood ako ngayon." Nakangiti paring sabi Nathan. Kahit siguro sino ay mahahalata ang kasiyahadmg nararamdaman niya ngayon dahil bukod sa matamis ng ngiti sa labi ay pati ang mga mata niya ay parang tumatawa.

"Wow! mukang inlababo si Nathan ko. Tell me, who is the lucky girl?" Tanong ng mama nila. Gusto sanang sabihin ni Nathan na "Si Aira po" kaso parang ayaw lumabas ng boses niya dahil sa hiya.

"Nyay! kalalaking tao kinikilig? aba daig mo pa ako kung magblush ah?" Sibi ni Feye na may mapagasar na ngiti.

Totoo nagblush si Nathan nung tinanong siya ng mama niya tungkol sa babaeng napupusuan niya. Ayaw nan niyang aminin sa sarili ay sobra siya kinikilig tuwing maririnig niya ang pangalan ni Aira.

"Nga pala ma, asan po pala si pa?" Tanong ni Nathan para maiba naman ang usapan. Ngayon lang kasi nila hindi kasama ang ama sa pagkain agahan kaya siya nagtataka.

"Ah kanina pa siya umalis, marami kasi siyang ime-meet na client's ngayong araw." Sagot ng mama niya. Gaya nga ng alam nating lahat, maimpluwensya ang pamilya nila Nathan. Marami silang business at isa sila sa mayroong malaking share sa ANA kaya hindi siya maibagsak-bagsak ng mga teacher.

"Ah ganunb ba? huy! panget bilisa mo nga dyan sa pagkain mo baka malate pa tayo. Kaya ka tumataba eh." Sabi ni Nathan ng nakanguso. Napataas naman ng kila si Feye sa narinig niya.

"Tss. If i know gusto mo lang makita si Aira ng mas maaga kaya ka nagmamadali, at ang kapal mo! hindi ako matakaw para tumaba." Nakasimangot na sabi ni Feye. Binigyan naman siya ni Nathan ng What-the-hell look dahil dun sa pagkakabanggit niya ng pangalan ni Aira sa harap ng mama nila.

"Hmn. Sino si Aira?" Tanong ng mama nila habang pinandidilatan ng mata si Nathan.

"Ah .... Eh ...!!" Nag-aalangan naman si Nathan kung magsasalita siya o hindi.

"Feye sino si Aira?" Pag-uulit ng tanong ng mama nila.

"Si Aira Jannyl Cruz, classmate po namin siya tapos siya yung magiging tutor ni Nathan at the same time siya ring po yung gusto ng anak niyo!" Diretsyong sagot nito.

"Aira Jannyl Cruz .... sounds familiar. Parang may kaibigan ako na may anak na Aira Jannyl at kaedad niyo tapos nag-aara sa ANA."

"Talaga po?" Sabi ni Nathan.

TEENAGE HERO |ON GOING|Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora