TH ~ 21

12 0 0
                                    

NATHAN's POV.

Hay! atlast. At long, long, long last nakarating narin kami ng kakambal kong si Feye sa loob ng classroom.

Grabe! kung hindi lang talaga masama manakit ng babae eh nabatukan ko na sila pati buong pamilya nila. Hehe joke lang! (^__^) V.

Pero sa totoo lang, nabad-trip talaga ako dun sa mga madadaldal na babaeng nadaanan namin kanina. Ako papatol sa kanila? haha she wish! over my dead hot body! YEAH.

Pero buti nalang talaga at kasama ko NA ang kakambal ko at para sa mga ganitong pag-kakataon ay may mag-tatanggol sa akin. Haha galing no? ako na nga yung lalaki tapos ako pa  xung pinag-tatanggol? siguro ganun talaga kapag mahal ka ng kapatid mo, nakahanda ka niya laging ipagtanggol at tulungan palagi, kagaya nalang nung mga bata pa kami.

~FLASH BACK~

"La la la la." Masaya akong nag-lalakad habang kumakana at hawak-hawak ang isang malaking pack ng 

CLOVER, oo! isang malaking pack ng clover. Adik na kung adik pero sa edad kong 9 years old ay ayos lang ang maging adik sa junk foods.

Trip na trip kong dilaan yung mga daliri ko matapos dumukot sa supot ng ha ak kong clover.

"Hoy Tabachoy!" Isang malakas na tinig na dinig na dinig ko mula sa aking kina-tatayuan ang malakas na sigaw ni Damulag na nag-gagaling sa aking likoran.

"Haha Tabachoy daw?" Tanong na may halong pang-aasar naman ng isa pang tinig na nag-mumula rin sa aking likoran. Well, siya lang naman ang dakilang alalay ni Damulag na si Soneyo.

Damulag at Soneyo? haha, alam kong pamilyar ang mga pangalang 'yan sa inyo dahil alam kong nanonood kayo ng Doraemon.

Kung hindi naman, si Doraemon yung pusang robot na nang-galing sa Future pero hindi siya yung main topic natin dito kung hindi si Damulag at Soneyo.

Si Damulag naman, siya yung 'BULLY' na klase ng bata. Mahilig siyang kumanta kaso sa kasamaang palad parang ayaw naman ata sa kaniya ng kanta. Sa buhay ko naman, ang totong pangalang ni Damulang ay 'SURF'. Ewan ko kung saan nakuha ng nanay niya yung pinangalan sa kaniya pero sa tingin ko nung pinanganak si Damulag ay kasalukuyang nag-lalaba yung nanay niya. Hula ko lang iya ha!

Si Soneyo naman ay yung batang 'Side Kick' ni Damulag. Under siya nito at ang pinak-magandang palatandaan sa kaniya ay ang kaniyang nguso. Sa buhay ko naman ang totong pangalang ni Soneyo ay 'CLAUS'. Kagaya ni Surf hindi ko din magets yung nanay ni Claus kung san din nakuha yung pangalan niya pero may kutob ako. Base sa paki-ramdam ko, pakiramdam ko lang to kaya wag kayong masiyadong manalig. Nung kasalukuyan sigurong nagle-labor sa panganganak yung nanay ni Claus ay christmas eve tapos nakita niya si Santa kaya dun niya naisipang ipangalan yung anak niya.

"Hoy tabachoy tinatawag kita bakit hindi ka lumilingon?" Tanong sa akin ni Surf ng makalapit siya sa akin. Hindi naman ako tumigil sa pag-lalakad, actually binilisan ko pa nga eh pero naabutan parin nila ako. Hay! bakit ba kasi hindi parin humahaba ang mga biyas ko.

"Oo nga tabachoy. Bakit hindi mo pinapansin ang tawag sayo ni Surf? imposible namang hindi mo ito madinig dahil ang lakas-lakas ng pag-kakasabi niya." Pag-segunda naman ni Claus. Bad-trip! ito ata ang talento nitong si Claus eh. Ang mag-sulsol at ang mang-gatong para may mapahamak na iba.

"Ano... may balak kang tumakas? tinatakasan mo na ako ngayon? aba baka gusto mong masaktan?" Sabi ni Surf habang pinapatunog ang kaniyang mga daliri. Kung si Claus si

TEENAGE HERO |ON GOING|Where stories live. Discover now