TH ~ 13

24 0 0
                                    

Chapter 13

RAZELLE's POV. (PURPLE)

"P ikaw dun sa kanan, B ikaw naman sa kaliwa at ako naman ang aatake sa likod. Kailangan na nating matalo yung isang Modified Wattz na natitira." Pagbibigay ng instruction ni Vi sa amin. Ngayon lumalabas na yung pagka-tactical planner nya. Remember, ang ability nya ay about sa utak kawna expect na kaya nyang gumawa ng mga tactical plan on the spot.

"Sige / Game !!" Sabay naming pakakasabi ni B.

Batay sa planong nabuo sa utak ng kakambal ko ay kailangan naming pagtulungan yung natitirang Modified Wattz. Muli inalalako ang mga sinabi wmi Blue at pumikit.

"Para mai-activate ang weapon nyo ay kailangan nyo lang naman magtuon high amount of Chiatsu sa isang part ng katawan nyo. Make sure na dun nakalagay yung device or yung accesory na binigay sa inyo tapos yung device mismo yung gagamitin nyo as medium para mapalabas yung sandata".

Kagaya nga ng sinabi nya. Tinuon ko ang mataas na amount ng Chiatsu ko sa may leeg ko at naramdaman ko naman ko naman ang pagdaloy nito sa bakal na nagdudugtong at sinasabitan ng pendant ko. Isan kulay PURLE na liwanag ang lumabas mula sa pendant ko ng dumaloy dito ang aking Chiatsu. "Wow !!" Tanging salitang lumabas sa bibig ko ng makita ko ang pagbabago ng anyo ng kulay Purple na liwanag, scroll. Naging scroll ang kakaibang liwanag na lumabas sa pendant ko. Base sa itsura at anyo ng scroll na nakikita ko ngayon, ito parin yung scroll na binigay ni Capt. Gray sa akin at kung saan nakalagay ang mga puppet ko. Nilatag ko ang scroll sa hangin at kagaya kanina may lumabas namang kakaibang kulay Purple na liwanag mula sa scroll ko. Lumitaw ang sampung nilalalang na nagmula sa loob ng sabing scroll. Pinagmasdan kong mabuti ang mga ito at hindi na ako nagulat kung sino sila, sila lang naman ang ang sampung pinakamamahal kong mga puppet. Hindi na ako nagaksaya pa ng oras. Agad kong inilatag ang mga kamay ko sa hangin kasabay ng matinding konsentrasyon. Tinipon ko ang aking Chiatsu sa mga dulo na aking mga daliri at iginaya ang aking naipong Chiatsu sa mga butas na nakalaan para sa mga Chiatsu Strings na syang ginagamit ko sa pakikipaglaban.

Pinahaba ko ang mga ito at diretsong ikinabit sa mga batok ng mga puppet ko.

"So magsisimula na ba tayo ??" Nakangising tanong ko sa kanila. Kahit na sabihing mga puppet lang sila ay kaya rin naman nilang makapagisip ng maayos. Nung nagtranscend ako, ito ang kapangyarihang natanggap ko na syang na syang nakapagpalakas sa akin. Habang tumatakbo kami hindi sadyang napasulyap ako sa gawing kanan at doon ko naman nakitang tumatakbo ang kalabang Modified Wattz. Hindi na ako nagsayang pa ng oras, iwinasiwas ko ang aking kamay kasabay ng paggalaw ng aking mga daliri na parang nagpi-piano. Katulad ng ibang mga puppeteer sa mga puppet show, ang aking mga daliri mga  nagsisilbing controller na syang ngpapagana at nagpapagalaw ng aking sampung puppet.

Sunod-sunod ang ginawang pagatake na aking mga puppet na naaayon sa aking kagustuhan. Kahit pa sabihing mga puppet lang sila ay meron parin silang taglay na Chiatsu na syang ginagamit nila para mapatalas at mas mapatibay pa ang mga gamit nilang sandata.

Malalipas ang ilang minuto ng pagatake, pagilag at pagsangga ay napatumba narin namin sa wakas ang huling Modified Wattz n. nangugulo at may binabalak na masama sa buong syudad.

Matapos ang umaatikabong bakbakan sa pagitan naming tatlo ng mga kalabang Modified Wattz ay agad ko namang pinasok ang tatlong katawang natalo namin sa scroll ko para dalhin sa home base at pagaraalan.

"Gold clear na sa area namin." Sabi ni Vi.

[ "Magaling, kagaya nyo ay tapos narin ang trabaho nina Silver, Red, White at Green. Pagkatapos nyong dalhin ang mga katawan ng mga nagapi nyong Modified Wattz ay maari na kayong magpahinga at masasabi kong ang misyon natin ngayon ay tagumpay." ] Base sa tono ng boses ni Gold ay batid kong sobra syang masaya. Sabagay kahit ako man ibang kaligayahan ang nararamdaman ko ngayon dahil sapagkakataong ito marami nanamang buhay ang nailigtas at nasagip.

TEENAGE HERO |ON GOING|Où les histoires vivent. Découvrez maintenant