TH ~ 22

10 0 0
                                    

NATHAN's POV.

Psh. Bad-trip! (>_<)

Halos mabali na yung leeg ko sa kalilingon at sa tingin ko na-reach na nito yung rotation limit kaya sumasakit na. Nalibot narin ng mga mata ko ang buong classroom pero wala,walang bakas o kahit nga anino manlang niya ay wala akong makita.

Bad-trip talaga. Ampt! (>_<メ)

Ang aga-aga ko pa namang pumunta dito tapos wala naman pala yung dahilan ng pagiging maaga ko.

" Huy! maputol naman yang leeg mo?! haha. Grabe, para kang kriminal na lingon ng lingon kung may parak na paparating." Sabi ng bestbud kong si Adrian habang natatawa pa ng konti. May dapat ba siyang ikatuwa? nahihilo na nga ako kakalingon kung nasan na o kung dumating na si Aira Jannyl tapos tatawanan pa niya ako? kutusan ko kaya to ng matauhan?! (>_< )

"Ewan sayo! hindi ko na nga makita si Aira Jannyl tapos gaganiyanin mo pa ako? parang hindi kita bestfriend ah?!" Sabi ko with lungkot-lungkutan effect. Ewan ko ba? yun yung unang pumasok sa isip ko eh?!

"Haha. Seriously? bro, itigil mo na. Hindi bagay sayo, wag mo ng pangarapin na maging Coco Martin o kahit pa si Paulo Abelino kasi kahit saang screening, hindi ka papasa!" Sabi pa sa akin ni Adrian. Tingnan mo to? malungkot na nga ako tapos dinadown pa ako?! tsk. tsk.

"Psh. Anong hindi bagay? Hmn, akala mo lang! hindi ko lang sinabi sayo pero kinukuha ako ng isang sikat na TV Network sa Zexna. Gusto daw nila akong maging tatkent kasi gwapo daw ako."& Taas noong sabi ko. haha tingnan natin, ano ka ngayon? joke lang yung sinabi ko, pero bahala siya kung maniniwatka siya.

"Wow! talaga bro? ano kamusta naman? maganda ba yung offer sayo? mag-kano naman yung magiging sweldo mo?" Sunod-sunod na tanong ng loko. Haha, grabe  yung reaction niya, akalain mo ba namang sakyan niya yung joke ko?

"Haha. Ang dami mo namang tanong pero isa lang ang sakot ko diyan. Joke!" Sabi ko. Haha, mas lalong naging epic yung reaction niya. Pero sa gilid ng mata ko, biglang nahagip ang babaeng kanina ko pa hinihintay. Si Aira Jannyl, sobra siyang pawisan at akala mo sumali siya sa sports na kailangang tumakbo ng mabilis kasi hinahabol niya yung hininga niya nung pumasok siya sa pinto at umupo sa upuan niya. Ano kayang meron?

"Huy lover boy, tingnan mo yung sinisinta mo oh, pawisan. Ano kayang nangyari at akala mo ay hinabol siya ng benteng kabayo kung maka-habol siya ng hininga niya." Komento ni Adrian. Oo nga, kahit ako nga rin ay nagtataka. Hindi pa nga nag-uumpisa yung klase ay sobrang pawisan na siya at bakit pagod na pagod siya.

"Oo nga e, tingnan mo muntik pa siyang malate." Sabi ko habang tinitingnan ko yung relo ko at sakto namang pumaso si Maam Herera. Ayos ah! talagang nacompute na niya kung anong oras siya papasok at ang oras dmg dating ni Maam Herera.

~ Fast Forward ~

Medyo matagal naring nag-tuturo sa harag si Maam Herera at napapansin ko sa gilid ng aking mga mata ang pagbubulungan nila Aira Jannyl at ng kamabal na Williams na sina Rommelle at Razelle.

Gusto ko sanang maki-bulungan dun sa tatlo kasi sobra talaga akong naku-curious sa mga nagaganap at kung ano talaga ang pinaguusapan nilang tatlo kaso para namang napaka-'SHOWBIS' ko kung makiki-osyoso o makiki-chismis ako dun sa tatlo edi para na akong si Tito Boy? ano ako bakla? psh. sa gwapo kong ito magiging Tito Boy? hell no!

~ Fast Forward ~

Katatapos lang ng klase namin at lahat ng istodyante na ANA ay nag-te-take ng break sa canteen. Well, as usual. Ganun padin naman ang itsura ng canteen. Maraming upuan at table na nagkalat sa buong lugar at siyempre hindi mawawala ng mga maiingay na istudyanteng nag-uusap ng kung anu-anong topic pero hindi ko na inabala ang sarili kong alamin ang mga pinag-uusapan nila. Ano ako bale? asa namang alamin ko pa yung mga pinagchi-chismisan nila edi pinagod ko lang yung saril ko sa sobrang dami nila.

TEENAGE HERO |ON GOING|Where stories live. Discover now