TH ~ 19

17 0 0
                                    

Nag-mamadali sa Aira sa pag-papatakbo ng kaniyang motorsiklo ngayon. Akala niya maaga siyang makakarating ngayon sa school nila dahil maaga palang ay nakahanda na siyang pumasok. Pero mali pala ang akala niya, saktong kalalabas palang niya sa bahay nila ay biglang nagring ang cellphone niya. Isang napaka-pamilyar na ringtone kung saan lagi siyang naalarma tuwing maririnig niya ito. 

May roon nanamang Wattz activity na malapit sa kaniya, wala siyang ibang option kung hindi puntahan muna ito bago pumasok sa school. Kaya ngayon wala siyang ibang magawa kung hindi ikunot ang kaniyang nuo habang nag-papatakbo ng mabilis.

Ng marating niya ang parking lot ng school ay agad siyang bumaba sa sinasakyang motorsiklo matapos niyang patayin ang makita nito. Lumakad siya ng mabilis at halos tumakbo na nga siya para lang marating agad niya ang room nila. Sa pag-kakataong ito wala siyang maisip na idadahilan kung sakaling maabutan niya ang teacher nila na nagtuturo na. Alangan namang sabihin niya ang totoo na nakipaglaban muna siya sa mga Wattz bago siya pumasok? ano siya bale para ibuniyak ang sikreto niya.

Tinakbo na niya ang hallway ng makarating siya sa gusali kung saan naraoon ang room nila. Atlast after how many year's ng pagtakbo at paglakad at siyempre joke lang iyon. Ay nakarating na siya sa room nila at sakto namang tumunog ang bell ng school ng tumapak siya sa pinaka hamba ng pinto ng classroom nila.

Pag-pasok niya sa classroom nila ay wala namang pinagbago, kung ano ang kadalasang nangyayari araw araw bago dumating ang teacher nila ay ganun padin ang nangyayari ngayon.

"Oh! ana'yari sayo bakit ngayon ka lang?" Tanong ni Razelle sa kaniya ng makaupo sa siya sa upuan niya.

"Tanong ka pa alam mo namang merong Wattz activity at nag-kataong malapit lang sa akin kaya pinutahan ko muna bago. Trinabaho ko muna yun." Bulong na tugon ni Aira kay Razelle. Mahirap na baka may makarinig pa sa kanila. Habang sinasabi niya iyon ay nakakunot ang nuo niya. Pano nagtataka siya kung bakit parang wala lang sa dalawa ang wattz activity at parang hindi manlang nila ito naramdaman gayong tuwing mayroon namang kalaban ay sila pa mismo ang unang nakakaalam nito.

"Ha? e bakit wala naman akong naramdaman. Ikaw baMel may naramdaman kang Wattz activity?" Baling naman ni Razelle sa kakambal niya.

"Wala pero ngayon may kakaiba akong nararamdaman." Pahayag ni Rommelle na narinig naman ng dalawa.

"Ano yun?" Nag-tatakang tanong nina Razelle at Aira kay Rommelle. Alam nila na posible talagang may maramdaman itong kakaiba dahil isa itong sensory type kaya sa kanilang tatlo ito ang pinakaunang makakadama ng presensya ng kalaban.

"May kakaiba talaga akong nararamdaman eh!" Paguulit ni Rommelle

.

"Psh! ano nga yung kakaiba mong nararamdaman? kanina kapa sabi ng sabi na may kakaiba kang nararamdaman tapos kanina parin kami tanong ng tanong kung ano yun eh hindi mo naman sinasabe! nakaka-bad-trip ka naman tol eh." Sabi ni Razelle na nakaganun paring posisyon.

Bale habang nag-u-usap kasi sila ng pabulong ay halos magka-kalapit na ang kanilang mga mukha para masigurong walang ibang makaka-rinig sa pinag-u-usapan nilang tatlo.

"May kakaiba kasing nangyayari sa katawan ko---."

Prooot . . . .

TEENAGE HERO |ON GOING|Where stories live. Discover now