TH ~ 15

21 0 0
                                    

hapter 15.

Hello AXEL SAN ANTONIO po. 17 years of age, single and ready to mingle pero noon yun. Sa tingin ko kasi may nakapagtali na ng puso ko eh.

Uniform Check.

Buhok Check.

Bag w/ supplies Check.

At syempre mabangong hininga Check.

Siguro nagtataka kayo kung ano yung Chine-Checkan ko no?? well nagpeprepare lang naman ako para sa first day ko as a student ng Adam North Academy. Ngayun din pala yung araw na pinangako ni Aira na ito-tour nya ako sa buong campus.

Okay mukang maayos na ang lahat kaya magpapakilala muna ako ng maayos. Kagaya ng sinabi ko kanina, ako si Axel San Antonio or simply Axel. Nuong isang araw lang ako dumating dito sa Xenox kasama ang partner kong si Feye. Kung hindi nyo kasi naitatanong, nandito kami para sa isang napaka-importanteng misyon. Misyong nakapag-pabahala sa ahensyang aming pinagtatrabahuhan sa bansang Zexna. Nakakuha kasi ng impormasyon ang mga mapagkakatiwalaan naming mga asset na dito daw nagmumula sa Xenox ang pangunahing problema ng bansang aming pinangalingan.

Ako at si Feye ay isa sa mga top Secret Agent na naglilingkod at syang nangunguna sa bawat misyong naitatalaga sa aming grupo. Oo tama kayo ng pagkabasa, Secret Agent ako kahit 17 anyos palang ako. Bata palang ako ng mapasok ako sa isang training camp na syang humuhubog at tumutulong sa paglinang sa mga natatago naming kakayahan sa pakikipaglaban.

Lingid sa kaaalaman ng aking pamilya  ang pinasok kong trabaho. Para sa akin kasi, masmabuti pang wala silang alam tungkol sa mga pinakakaabalahan ko para hindi si malagay sa piligro at mapahamak.

Ipinadala kami dito sa bansang Xenox para maimbestiga at mangalap ng impormasyo na syang makatutulong sa aming samahan para masugpo at mawaksi ang mga halimaw na tinatawag na Wattz.

Base sa mga sa mga itsura ng mga Wattz na ito, mga halimaw silang kakaiba ang itsura at hindi ko ito kayang ipaliwanag.

Wala akong kaide-ideya kung paano kami maguumpisa sa paghahanap ng mga clue tunkol sa mga Wattz hanggang naisipan kong pumasok bilang isang simpleng istudyante. Bali-balita kasi na dito sa Adam North Academy madalas may makitang mga halimaw na pagala-gala. Tama na ang Pagpapaliwanag at bumalik na tayo sa present.

So ayun nga kinuha ko yung bag ko at lumabas sa kwarto. Sa ngayon, sa isang condo unit ako naninirahan na pagmamamay ari ng isa sa mga myembro ng aming samahan. Diba nga kasi hindi alam ng pamilya ko ang tungkol sa trabaho ko at ang alam lang nila ay lumipat ako dito sa Xenox para ipagpatuloy ang aking pagaaral.

Pagkalabas na pagkalabas ko sa unit ko, madalian akong naglakad habang idinadial ang number ni Feye.

[ "Hello??" ]

"Ano susunduin pa ba kita dyan sa inyo."

[ "Hindi na. Actually nasa byahe na kami ng kakambal ko eh." ]

"Oh. Ganun ba?? Sige kita nalang tayo sa school at lagi mo akong ia-update tungkol sa mga nakikita mong kahinahinala."

[ "Ok." ]

"Sige bye."

[ "Bye." ]

At inend ko na yung call at sumakay na sa sasakyan ko at saka ito pinaharurot papunta sa ANA.

*ANA CAMPUS

Malinis Check.

Malawak Check.

Magandang mga pasilidad Check.

At magagalang na mga istudyante Check.

Aba ganito ba talaga dito?? parang dream school nama to. Halos lahat above average ang scrobe para sa akin. Well, siguro kaya malaki ang tuition fee dahil sa school na ito ay nilalaan nila ang pondo sa pagpapaganda at pagpapaunlad ng mga kagamitan at mga pasilidad sa skewalahan.

TEENAGE HERO |ON GOING|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon