*Capitolo Venti

9.4K 249 20
                                    


...

***

LIYAH

Naguguluhan na ako sa mga nangyayari. Kahit kelan ang hirap hanapan ng butas ang mga laro ni Kachino. Kahit ako na isang Black ker hindi ko masundan ang binabalak nito. Yes, Kachino is the real Tres and at the same time, Ryker.


Buong akala namin kaya ito nagbalik ay dahil gusto nitong muling buhayin ang Triangular, but we're stunned and excited at the same learning what the real reason behind. Kachino came back to finally take over the Hades Gate, again.


As for me, I'm not really a gangster dahil mas malala pa ako duon. Ang tunay na katauhan ko ay isang Black Ker. Nanggaling ako sa isang angkan ng mga maharlikang ninja assassins na naglilingkod para sa Santorini Famiglia. Nang tumuntong ako ng 13 taon gulang ay imbes na sumali ako sa sa mga kilalang warriors ng Santorini ay pinili ko ang mas iniiwasan ng lahat, ang maging isang Black Ker. Mga nilalang na walang katauhan, binuo para maging isang halimaw. Kilalang walang kinikilingan maliban sa isang tao, si Ryker.


Hindi biro ang pinagdaanan ko para makamit lang ito dahil hindi porket gusto mong maging isang Black Ker ay magiging isa ka na. Those who want to be a Black Ker went into a camp para duon magsanay and do some physical and mental tests, and from then Ryker chose those who deserve to be in the Maze, isang paligsahan kung saan yung mga napili ay kelangan ipasa ang mga napakahirap at nakamamatay na mgapagsubok. Sa labing dalawang napili, kaming dalawa lang ni Morgan ang natira. Anong nangyari sa iba? Wala na, matagal ng nakabaon sa lupa at na-agnas. If you think duon na nagtatapos, then you're mistaken. After we finished the Maze, duon palang nag-start ang tunay na paghihirap namin. Ryker became our personal mentor in everything at duon ko napatunayan na totoo ang mga sabi-sabi tungkol sa kanya, mas malala pa nga because she let us taste the different kinds of Death you wouldn't imagine.


Being a Black Ker and serving Ryker is really a great honor to me. Bakit hindi? Sa lahat ng alagad ni Hecate ito ang pinakamalakas, pinakanakakatakot at pinakabrutal. Wala itong sinasanto kahit kapwa miyembro ng Zyralkire dahil isa lang ang pinaglilingkuran nito, si Hecate. Bukod pa duon ito din ang may hawak ng pinakamalakas na House sa South, ang Hades Gate. Si Ryker mismo ang namamahala at nagdedesisyon dito at hindi nangingialam si Hecate dito.


Ang balita kasi Hecate created Ryker and made her indestructible like himself, but just like him malaking misteryo din ang tunay na katauhan ni Ryker. Halos sa maraming taon naming paglilingkod dito ay kailan man hindi namin nakita ang itsura nito, but Ryker is always full of surprises dahil ito na din mismo ang gumawa ng paraan para makilala namin ito.


Remember the party kung saan ko nakilala si Kachino. Actually nandoon ako para manmanan ang isang spy na nakapasok sa teritoryo ni Ryker. Sa party na iyon si Kachino ang una kong napansin. Hindi talaga dahil sa suot nitong damit kundi dahil sa aurang bumabalot dito. Punong puno ng otoridad at nakakatakot ito kahit na nakalikod. Nilapitan ko pa nga ito tapos kinausap pero hindi namamansin, ang sungit pero nang mabastos ako bigla itong sumingit at ito na ang tumapos sa walang kwentang nilalang. Nalaman kong Kachino ang pangalan nya tapos sinubukan kong makipagkaibigan dito pero hindi tumalab ang pagiging friendly nature ko. I thought that was the last time na makikita ko ito pero...


Flashback

Eight years ago

Ring

MASKED (Rewritten)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon