*Capitolo Trentatre

4.8K 227 24
                                    

...

***

KACHINO 


For the last couple of days I've been going back and forth here to Hades Gate. Marami kasi akong inasikaso lalo na't it seems we're on the verge of war. After ko din mareceived yung utos ni Hecate lihim ko din pinamatyagan ang mga kilos ni Dramasa dahil masyado itong maagang pumunta dito sa Pilipinas. Bukod duon hinanda ko na rin lahat ng tauhan ko dahil malamang na malamang ang Hades Gate na ang susunod na pupuntiryahin ng Moirs. Noong nakaraang linggo kasi ay lihim na inatake ng Moirs ang Lalarium, isa sa mga importanteng hawak na House ni Paine. Kaya siguro bad mood ang kumag ng bumalik dito sa Pilipinas.


Pinadala ko din sina Liyah at Morgan sa Japan kaya wala masyadong bumubulabog sa'kin ngayon at sa nagdaang araw para masecure yung paligid pagdumating na yung 'shipment' duon. Bukod pa duon inutusan ko na rin ang mga itong i-secure lahat ng hawak kong grupo at iligpit na ang mga bumaliktad na ng panig.


Nang matapos ko lahat ng gagawin ay umuwi muna ko sa villa ko. Nagshower ako saglit at ng matapos ako ay saktong nagvibrate yung phone ko. Agad ko itong kinuha at napataas ang sulok ng labi ko ng makita ang nilalaman nito.


From: +1234567890

Let's meet tonight, 8pm at Cui El Guimeo.

Then at the end of the message attached the seal of Platonian Grave together with the Zyralkire.


Agad naman akong napatingin sa orasan ko, it's already 6:00pm, may dalawang oras pa ako. Since sa Cui El Guimeo ang meeting place, I chose to wear a black backless long sleeve mini dress then paired it with black pumps. Hindi ka kasi papapasukin dito kung hindi formal ang suot mo. Hindi na ko nag-abalang mag-ayos, nilugay ko lang yung buhok. Nang matapos ay dumiretso na ko sa meeting place namin. Pagkapasok ko ng restaurant ay dumiretso kagad ako sa medyo dulong table at duon umupo. I also did order a bottle of wine habang naghihintay ako.


Actually, may isang oras pa ako pero mas maganda ng maaga para mapag-aralan ko ang kilos nito. Another thing why this meeting is crucial is because for the first time I'm going to reveal myself. Sa lahat kasi ng alagad ni Hecate, si Ryker lang ang di pa nakikita ang tunay na itsura nito. So, Jakob Dramasa should consider himself lucky...or maybe not.


Ilang saglit pa, I saw the bastard entered the place and behind him are two men in black suits, which seems to be his bodyguards. May lumapit ditong isang waiter para i-guide ito sa pinareserve nitong table pero bago ito sumunod ay may sinabi muna ito sa mga bodyguards nito tapos nagtuloy tuloy na samantalang yung dalawang bodyguards nito ay lumabas na.


Tahimik ko lang na pinapanuod ang mga galaw nito. Habang tumatagal napapansin kong paulit ulit itong sumusulyap sa relo nito at nababakas na rin ang pagkainip sa itsura nito. It's already past 8, napangisi naman ako, I downed my wine then finally tumayo na at pumunta sa direksyon nito at walang sabi sabing umupo sa bakanteng upuan na nasa harapan nito.


Noong una medyo napakunot noo ito pero di naglaon ay napangisi na ri, "Sorry, sweetheart. Even you're gorgeous, I'm not available for tonight." Aroganteng sabi nito at di talaga tinago ang malaswang paghagod nito sa kabuuan ko hanggang muling binalik nito ang tingin sa'kin.

MASKED (Rewritten)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon