*Capitolo Dieci

9.1K 252 5
                                    

...

***

KACHINO


Pagkalabas ko ng bahay ni Liyah ay tsaka ko napagtanto na wala nga pala akong dalang sasakyan dahil nasira ang aventador ko. Sabagay okay na din 'to ng makapag-exercise na rin. Nagsimula na rin akong maglakad pabalik ng bahay ko. Ilang saglit pa medyo natatanaw ko na ito ng maramdaman kong nagvi-vibrate ang phone ko. Kinuha ko ito sa bulsa ko at tinignan kung sino, yung inutusan ko palang asikasuhin yung nabangga ko last time.


"What?" malamig na saad ko dito.


"M-Ma'am hindi po tinanggap nung lalaking nabangga nyo yung La Ferrari na pinalit namin."


Kumunot naman ang noo ko sa sinabi nito


"Ahh, nagpadala po kasi ito ng tauhan nito para ireject yung offer."


"....." ako


"A-ah M-Ma'am...n-nagfile din po pala ito ng c-complaint laban sa i-inyo po."


"Anything else?" I asked in a deadly tone habang humihigpit yung hawak ko sa phone ko.


"I-I mean po dun sa name na kung san po nakaregister yung Aventador. His boss will only drop the case kung l-luluhod daw po k-kayo sa harapan nito."


Uminit naman ang ulo ko sa sinabi nito, "If he doesn't want it then fine!" mapanganib na saad ko.


"A-ah Ppano po yung sasakyan?"


"Dispose it, Do whatever you want." inis na sabi ko dito tapos in-end ko na yung tawag.


Bwisit na lalaki yun! Anong akala nya susundin ko ang gusto nya? No way! manigas sya! Wala pang nagpaluhod sa isang tulad ko. Sila ang lumuluhod sa harapan ko. Kung inaakala nyang kaya nya ko, pwes nagkakamali sya. Kinuha ko yung phone ko at may tinawagan.


"What it is Miss?" magalang na bungad nito


"Byron, I need you to fix the La Ferrari incident." After I said it I ended the call.


Dahil medyo irita pa ko ay napagdiskitahan ko ang hawak kong phone at malakas na binato ito sa sahig tapos dinurog gamit ang paa ko tapos sinipa. Medyo nabawasan naman ang pagkainis ko kahit papano kaya nagpatuloy na ako sa paglalakad at sa wakas nakarating na din ako pero napatigil ako ng akmang bubuksan ko na yung pinto. Pinakiramdaman kong mabuti ang buong lugar at naramdaman kong may kakaiba kaya dahan dahan kong binuksan ang pinto at niready ang sarili. Pumasok ako ng walang nililikhang kahit na anong ingay. Nang nasa may living room na ko ay may naramdaman akong nasa likuran ko.


Huminto ako saglit, tinukod ko yung isang kamay ko sa may sofa para maging suporta at mabilis na umikot sa ere papunta sa likuran nito samantalang yung isang kamay ko naman mabilis na pumulupot sa leeg nito sabay tutok ng kunai dito at dahil masyadong mabilis ang mga naging pagkilos ko hindi na ito nakahuma pa.

MASKED (Rewritten)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon