*Capitolo Dodici

10.2K 225 8
                                    

...

***

KACHINO

Dahil wala pang balak umalis itong isang ito ay pinagbilin ko na lang sa kanya na isarado na lang itong bahay ko dahil kelangan ko ng pumunta ng Bachelors Empire. Noong una biro ko lang talaga kay Liyah na pupunta ako ng Bachelors pero parang nadinig ata ako ng mga demonyo at nagkatotoo dahil bigla akong tinawagan ni Orion kanina at may importante daw kaming pag-uusapan.


Inilabas ko na ang itim na 848 Ducati superbike ko dahil itinapon ko na din yung aventador roadster ko dahil ayokong makakita ng mga bagay na merong kaugnayan sa bwisit na kumag na iyon. I wear my black helmet at sumakay sa motor ko tapos pinasibad ito ng mabilis. Kung sa normal drive lang, aabutin ng 30 mins. mula sa Royalville hanggang Bachelors Tower pero dahil iba ako umabot lang ito ng 10 mins.


"Oh, eto na pala si Kachino." bungad ni Jax pagkapasok ko ng conference room.


"My Loveees!" sigaw ni Chase at akmang yayakapin ako kaso pinigilan ito ni Karl.


"My Loves ka dyan. Wag mo ngang matawag-tawag ng baduy na pangalan ang babe ko!" singal ni Karl dito


Kahit kelan ang dalawang ito bahala kayong mag-away diyan. Di ko na pinansin ang mga ito at mabilis na umupo na ko sa bakanteng upuan.


"Tama na nga yan, bumalik na kayo sa mga upuan nyo." Sabi naman ni Orion kina Karl at Chase


Sumunod naman ang mga ito pero patuloy pa rin sa pagbabangayan sa isa't isa.


"You're late" malamig na singit ng isang nilalang.


Sino pa nga ba ito kundi si Blaise kaya naman napatingin ako dito.


"Edi magpalate ka din. Hindi yung naiingit ka dyan." Walang ganang sagot ko dito.


Tinignan naman ako nito ng masama. Ingetero, bwisit.


"Enough. May importante tayong pag-uusapan." Orion


"Tsk" Ako at Blaise.


Aba't gaya gaya pa ang kumag na 'to.


"Tungkol ba ito sa expansion project natin?" seryosong tanong ni Jax


"Yes, there will be some changes that need to be done" Orion


"What changes?" tanong ni Chase


"We all know that Lathan is the one who is assigned in this project together with Kachino. However, I need his expertise in transacting with the Florence." Paliwanag ni Orion

MASKED (Rewritten)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon