*Capitolo Sedici

8.6K 242 15
                                    

...

***

BLAISE


"Did you like my show?"


Mabilis na nagsalubong ang kilay ko sa nadatnan ko. Prenteng prente lang naman na nakaupo si Itaeli sa sofa sa loob mismo ng suite ko. Ito ang totoong Itaeli dahil yung nasa party ngayon ay isang impostor lang.


"What a cunning woman." Malamig na sagot ko dito.


"I'll take that as a compliment." Casual na sagot nito


Sandali! Pa'no ba nakapasok ang babaeng ito dito? Ayoko pa naman sa lahat ay may pumapasok na tao sa kwarto ko. Besides wala ako sa mood para mag-entertain ng bwisita ngayon I had enough of this day and all I want to do right now is to rest, "I'll give you 3 seconds to leave." nagbababalang sabi ko dito.


"And what if I don't" nanghahamong sabi nito.


Talagang iniinis ako ng babaeng ito. Tinignan ko ito ng masama.


"Akala mo ba matatakot mo ko, try again, Love?" nakangising sabi pa nito.


Walang anu ano'y mabilis na lumapit ako dito at hinablot ng mariin ang braso nito.


"I.SAID.GET.OUT." Mariin na sabi ko dito.


Sumimangot ito tapos bigla na lang hinila ang kwelyo ko kaya naman nagkalapit ng sobra ang mga mukha namin na halos isang pulgada na lang ang layo. Nagtitigan kami at ngayon ko lang napansin na maganda nga talaga sya.WAIT? I didn't say that.


"LET. ME. GO. OR ELSE..." warning her


"Or else what?" mapanghamong sagot nito.


Tinignan ko ito ng nagbababala na kung hindi nya ko bibitawan ay may mangyayari ditong hindi maganda pero imbes na sumunod ay nakipaglabanan pa ito ng tingin, silently saying she won't back down at hindi ito natatakot.


Ilang segundo pa kaming nagtitigan hanggang sa namalayan ko na lang na parang nalulunod na ko sa mga matang iyon. Dammit! I couln't stop staring at those cold and dangerous pair of pale green eyes, looking almost gray at times. Nanunuot sa buong pagkatao ko ang mga titig nito at hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman ko na tila akong hinihigop ng mga matang iyon. Medyo natauhan ako ng magsalita ito at hindi pinahalata ang epekto ng mga titig nito sa'kin.

"Tsk, I didn't come here for nothing. I want my sweet little revenge." seryosong sabi nito.


So, that's it. I smirked at her, "You should be thankful it just a slap." Pagkasabi ko nito ay medyo nagbago ang timpla ng mukha nito.


MASKED (Rewritten)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon