*Capitolo Quattordici

8.3K 207 7
                                    

...

***

THIRD PERSON


Nagulat sila First ng pagpagpasok nila ng council room ay nakabulagta na lahat ng Council at pati na rin ang mga Dark reapers.


"Don't worry they're not dead yet."


Agad na napatingin sila sa nagsalita. Nakita nila ang isang tao na prenteng prente na nakaupo sa pinakagitna at tila sadyang hinihintay nito ang pagdating nila.


"You!" galit na sabi ni Fourth pagkakita dito at agad itong sinugod pero sa di malaman pangyayari hindi nito maigalaw ang buong katawan at nagulat na lang ito ng parang may sariling pag-iisip ang katawan nyang umupo sa isang silya. Para itong isang puppet na sumusunod sa bawat kumpas ng daliri ni Tres.


"That's better." Malamig pa sa yelong sabi ni Tres at tumingin sa mga kasama ni Fourth.


"Good to see you, First." Pagpapatuloy pa nito.


Hindi maitatanggi ni First na nakakalilabot ito ngayon hindi tulad ng mga naraang pagkikita nila. Maging sya ay hindi kinakaya ang sobrang lakas na presensya nito na parang pinaparating nito na para lang silang mga maliliit na insekto na kaya nitong pagtitirisin kung gugustuhin nya lang. Ngunit hindi sya nagpatalo dito.


"Tres" usal ni First.


Sa kabilang banda naman si Third, Second at Fifth ay tahimik lang at nag-oobserba dahil alam nilang hindi pwedeng basta basta na lang sumugod dito. Nakita nila kung pano nito parang puppet lang napasunod si Fourth. Mukhang pinaghandaan nito ang pagsugod nito dito.


"You'll regret coming here, Tres. Pag ako nakawala dito sisiguraduhin kong mamamatay ka sa kamay ko mismo!" galit na sabi ni Fourth na pilit inaalis ang sarili sa pagkaka-upo nito.


Ngunit hindi man lang pinansin ni Tres ang sinabi ni Fourth bagkus nakatingin lang ito kay First. Samantalang hindi alam ni First kung ano ang naglalaro sa utak ni Tres. Hindi rin nya mabasa ito dahil sa suot nitong maskara. Ni kilos nito ay mahirap basahin dahil sa suot nitong itim na kapa. Ang kaliwang kamay lang nito ang nakalabas at nakapatong sa mesa.


"Why don't you sit down, First." Utos ni Tres sa kanila pero hindi nagpatinag ang mga ito.


Ngunit tulad ng nangyari kay Fourth kanina ay parang puppet na sumunod si First sa isang galaw lang ng daliri ni Tres.


"You really amaze me. This technique, it's the Kugutsu (aka Puppet Technique). The phase 1. Only a high skilled ninja assassin would know this move. We should have known you're too far from being a gangster." First


Nagulat naman ang mga kasamahan ni First sa narinig. That's why walang takot ang Triangular sa kahit sino man. They're not just a merely gangsters but a highly skilled assassins. Nilibot din nila ang paningin sa buong lugar at duon lang nila napagtanto na punong puno ng sobrang ninipis at halos hindi na makitang mga sinulid ang buong silid. At kung minamalas nga naman halos lahat ay nakakabit na sa kanila. Nahuli sila sa patibong nito. Samantalang si Tres naman ay hindi sinagot si First bagkus prente itong sumandal.

MASKED (Rewritten)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon