Phase 39

85.9K 2.5K 1.2K
                                    

Dedicated to Quenie. Hi!


Phase 39

My heart is crumpling terribly, as well my mind. I feel so exhausted from some frustrating things, thoughts and answered questions I don't know how to believe, I don't wanna believe this. Masakit sa puso, masakit sa isip, masakit sa dibdib, masakit sa lahat ng pakiramdam.

The only feeling I want now is to get numb from the slap of what I learned. It was a big terrible and painful revelation to know that he has a child with his ex, probably Iya? I don't know, what I know is how wounded I am right now.

I sobbed mildly while wiping tears off my cheeks, nasa linya parin si Lavern pero hindi ko na maisatinig ang aking pakiramdam pero naihihikbi ko ang sakit nito kahit papaano.

"L-Listen, Cade... w-we are not sure about it." her voice was little fretful and very shrewd. "Noong sinabi ni Yuria sa akin iyon ay hindi ako naniwala dahil alam kong... m-mahal ka ni Minther. He won't lie to you."

Humikbi ako, nanginginig ang labi pati ang mga kamay.

"If he did, does that mean he never l-loved me?" I said sorely.

Sa pagsisinungaling ba malalaman kung mahal ka o hindi? Kung nagsinungaling, walang tiwala... kung mahal, dapat may tiwala. It's funny how I gave this judgement to him easily but myself can't even answer that. Kasi mahal ko siya, pero iba ito.

I love him, God knows how much. Pero ang sakit naman ng suntok na ito, gusto kong magtiwala lang at maniwala na wala siyang anak sa iba hangga't hindi ko naririnig sa kanya pero dapat bang magpakabingi ako gayong narinig ko ang "posibilidad" na iyon nga ang dahilan kung bakit kahit text ay wala siyang naibigay sa akin?

I was worried sick, he could've just texted me "Hey, I have a child and they're missing, I can't fetch you so don't wait for me 'cause I'll look for them." tangina, oo, ang sakit pero at least walang gugulo sa aking isip dahil sa kanya mismo nanggaling.

Hindi siya nakasagot, narinig ko lang ang kanyang pagsinghot at paghinga ng malalim na tila pinalalakas din ang loob niya. I feel lousy and very unsuitable, this is so dreadful to feel.

"H-Huh, Lavern?" I sobbed.

"N-No, Cade. M-Malay mo ay hindi niya rin alam iyon at nabibigla rin siya gaya mo."

"P-Pero ang sakit, Lavern. Kasi kahit text ay hindi niya nagawa! I'm fucking worried about him, pwede naman niyang sabihin—"

"Maybe he's afraid to hurt your feelings."

My mouth separated when I heard Kees' sleepy voice on the background, I compressed my lips and gasped hopelessly.

"Mas masakit na malaman sa iba!"

Sabi ko nga, puwede niyang sabihin sa akin iyon nang hindi ako nag-aalala katulad kahapon kung nasaan na siya at kung ayos ba siya. Himala pa nga na nakatulog ako sa kahihintay sa kanya. At hetong kaganapan ngayon ay tila isang bangungot na ayaw ko nang maramdaman pa dahil baka hindi na ako magising na peke ang lahat.

But that's just what I want to think because this is not a nightmare but a truth slap of my awful flaws. Sa tingin niya ba hindi ako masasaktan na nalamang nagsinungaling siya? Sa tingin niya ba matatanggap ko ang lahat ng ito? Ang sagot ay dalawang katanungan din.

Paano kung oo, at paano kung hindi?

Kung, oo, dahil mahal ko siya siguro ay kakayanin kong tanggapin ang kahit ano... pero kung hindi? Sigurado akong lalo kong hindi matatanggap ang aking kahinaan bilang babae. It's sweetness or nothing. Matatanggap ko dahil mahal ko, o hindi ko matatanggap iyon kasama ang aking sarili. Isang napakalaking dagok noon sa akin! Sobra, sobrang sakit.

Isla Verde #5: All Sweet Nothings Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon